Chapter 28: Warm Welcome!

1.5K 92 33
                                    

A/N: Dedicated para sa mga mahal kong authors: Maui and Erin.. haha.. bakit? Kasi.. wala lang.. mababasa nyo na lang.. lels XD

Pakibasa po ang completed story na 'The Proxy Wife' ni wyngardium_leviosa para malaman ang kwento ni  Kuya Vlad at Ate Max... pati ni Ate Carlene :D at.. wag kalimutan ang saksakan ng aksyon at kilig na 'Viper' ni LaceyErin .. kung naaalala nyo si Alice.. yung waitress sa Coffee Mornings and Acoustic Nights kung san dinala ni Sai si Vlad.. yun.. kwento nya ang Viper.. hehehe:D

Kilig-hikbi ako :"3

Yung mga pictures ni Lem  pakisilip nalang sa page niya sa FB:

-Clementine "Lem" Romualdez

---------------------------------------------------------------

 

Pagdating ng Biyernes, umaga pa lang, nagpaalam na si Cyann sa coach at sa team mates na hindi muna sya makakapag-practice ng dalawang araw para bigyang-daan ang paghahanda at pagdiriwang ng wedding anniversary ng kanyang mga magulang. Humingi pa ng favor si Mommy Jo na manatili sila ni Clementine sa ancestral home until Sunday for a family gathering.

 

Natapos ang klase nila around 5PM at sabay silang umuwi ni Lem sa condo para kumuha ng mga damit. Dinala na rin ni Lem yung laptop na in-issue ni Ate Carsie dahil nagsimula na syang gumawa ng mga reports para sa HR Team sa company nila Kuya Vlad. Sa katunayan, habang nasa daan sila, nakaharap na naman sa laptop si Lem. Doon nya nalamang nagsasalamin pala ang dalaga kapag nakatapat sa computer nang matagal.

"Don't you get dizzy?" tanong ni Sai habang nagda-drive.

 

"Sanayan lang. Nagbabasa din ako sa jeep tsaka sa bus eh," sagot naman ni Lem habang lumilipad sa keyboards ang mga daliri nya. Analysis na siguro yung ginagawa.

"Tss. That's why your eyesight's becoming poor eh," mahinang sumbat nya sa dalaga pero hindi na ito umimik kaya hindi narin nya inistorbo.

Dahil nga Friday night  at either nag-uuwian ang mga tao or papunta sa gimikan, mabagal ang takbo ng kotse ni Sai. Nakatulog din si Clementine sa passenger seat nang naka-on pa rin ang laptop nito.

Nang mag-red light, maingat na kinuha ni Cyann ang laptop para hindi magising si Lem at saka nag-save and exit ng report na ginagawa nito. Nang ma-close ang excel file at ang power point, bumungad ang wallpaper na puro larawan nilang dalawa.

Gay na kung gay pero kinilig si Cyann. Ibig sabihin, his charms are working on Clementine.

 

Tuluyan na nyang pinatay ito at pinasok iyon sa laptop bag na nasa paanan ni Lem. Maingat din nyang tinanggal ang eyeglasses nito at nilagay iyon sa dashboard nya.

Na-e-excite sya na parang hindi sa oras na mawala ang sumpa. Seryosong gusto nyang suyuin si Clementine kapag nakabalik na sila sa normal. First time nyang gagawin yun. Pero paano kung pati yung nararamdaman nya para sa dalaga, mawala rin kasama ng sumpa? Ang hirap pumili between a normal life and his deep feelings for a girl.

SaiLem One {Head-On Collision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon