A/N: Ahhh.. sabi ko naman, hindi ako excited sa chapter na ito. -__- pero... crucial kasi ang mangyayari... so basahin nyo nalang..
Tsaka.. wala akong maisipang tao kung kanino pwedeng i-dedicate ito. -__- kaya wala nalang. FYI. naubos ang energy ko sa pagsulat neto. Baka maubos din ang lakas nyong magbasa.. char.. haha ( o diba? pati tawa, walang gana.. -_-")
Babala.. maraming pagmumurang magaganap dito. Sorry naman sa mga menor-de-edad na magbabasa neto -_- parang mawawala yung impact pag ise-censor ko eh. Kaya ayun.. paumanhin naman. T^T
----------------------------------------------------------
Nakabungisngis si Cyann habang paakyat sa condo nya. Lahat ng makasalubong, nginingitian nya. Actually, buong hapong maganda ang mood nya at nagawa pang sumama sa Taguig para ihatid sila Kuya Vlad.
Ganun pala ang boses ni Clementine sa telepono pag nahihiya at taos-pusong nagpapasalamat. Nakakatuwa lang. At, maganda sa pakiramdam yung sinabi ng dalagang yayakapin nito si mystery congressman sa sobrang pagpapasalamat.
Ano kaya kung sabihin ni Sai na sya nga si Congressman? Yayakapin pa rin ba sya ni Lem? Dapat lang. Kulang pa nga yun eh. Dapat tabi ulit silang matutulog for the whole first sem dahil kung hindi ginawa iyon ni Cyann, hindi makakapag-aral si Lem. Pero kidding aside, mukha namang may word of honor si Lem eh. Okay na yung yakap. Basta bukal sa loob at ang pinakamahalaga, conscious sila pareho, hindi yung magigising nalang na magkayakap na pala.
Walang tao sa condo nang makarating sya doon na syang ikinabahala ni Cyann ng kaunti. Bakit hindi pa umuuwi si Lem eh pagabi na. Tinawagan na sya ni Ate Carsie at tinanggap na rin naman nito ang offer na dun sa company mag-part-time.
Baka nagliwaliw para magdiwang sa sobrang saya. Knowing Lem, iisipin nun na sa sunud-sunod na biyayang dumadating kailangang magpakalango sa tuwa. O kaya baka nagsimba pa sya para magpasalamat kay Lord.
Isinantabi ni Cyann ang mga naiisip hanggang makapasok sya sa kwarto nya. Nagtaka sya dahil naroon sa kama nya yung eco bag na pinaglagyan nung biniling cellphone ni Lem. Nilapitan nya iyon at tinignan ang nilalaman.
What the hell? It was the cellphone, in its box with all its accessories. Pati yung sim card. Sa ilalim pa nun, may sobre. Akala nya may sulat, pero hindi. It enclosed a number of bills. Hindi na kinailangang isipin ni Sai kung ano yun dahil siguradong yun yung natirang pera sa pinabigay nya kay Lem. Kinalkal pa nya yung eco bag pero wala nang ibang laman.
Binagsak nyang lahat iyon sa kama nya at nagmadaling pumunta sa kabilang kwarto. All the while, his heart was hammering against his rib cage.
Shit. She couldn't have left, could she?
Bumalibag sa dingding ang pintuan sa pwersa ng pagkakabukas nya. Wala doon si Clementine. Pumasok sya at halos mag-sag nang makitang naroon pa rin ang mga gamit ni Lem. He couldn't explain the relief that washed over him.
BINABASA MO ANG
SaiLem One {Head-On Collision}
HumorEverything happens for a reason. Kadalasan, shit happens to teach you a life-changing lesson... Tulad ng nangyari kila Cyann Mabanta at Clementine Tongco. *NO SOFT COPY *Karamihan ng mga pangyayari at lugar na mababasa sa kwentong ito ay hango sa to...