Chapter 19: One Step Closer

1.3K 93 23
                                    

A/N: Napapansin ko lang…madalas na opening ng chapter ko… magigising ang mga characters ko  ahahaha =__= siguro kasi si author ay walang tulog kaya mga characters nalang ang bumabawi?? Mehehehe

Ahhh.. nami-miss nyo na ba ang manyak na si Sai-Sai?? Lels.. ako.. hindi pa eh. Masyado na syang naging troll sa mga nakaraang chapters -__-“ it’s time to show a different side of him.. charrrr :D

Dedicated to yuMikka!!! hahahaha.. dahil nakausap nya sina SaiLem.. lelelels

Ayan po si baby Vaughn Kristoffer Mariano-Zaldivar.. *__*

-------------------------------------------------------------------------------------------

 

Mababaw lang ang tulog nilang dalawa. Kahit kaunting kaluskos lang, magigising na. Hindi mapakali kahit nakapikit. Hindi mapirmi sa pagkakahiga. Buong magdamag, magkaharap lang silang may unan sa gitna. Buti nalang wala paring practice kinabukasan to give way to late enrollees.

“Sai,” mahinang bulong ni Lem. Madaling araw yun. Mga alas siete siguro ng umaga.

Thank God she finally spoke. Gumalaw ng kaunti si Cyann at tinignan ang namumulang mga mata ni Lem. “Hmm?” ungol nya, inaasahang titignan din sya ng katabi. Hindi nya alam kung nakapikit pa rin ito o hindi lang maimulat ang namumugtong mga mata.

Okay lang ba kung next month na ako magbabayad ng share ko dito? Hanap lang ako—“

Sshh. Don’t think about it—“

Sinuntok ni Lem yung unan sa gitna nila. “Ayoko nang tumanaw ng utang na loob,” mariing tanggi nya. “Basta, next month, bibigay ko three thousand mo. 'taga mo sa bato.”

Cyann clenched his jaw. Bakit ba ganito ang ugali ni Lem? Halata namang hirap na hirap na sya, ayaw pang tumanggap ng tulong? Saan naman sya kukuha ng pera ngayon? Eh ni pamasahe nga kahapon, wala na sya dahil sa hinayupak na holdaper na yun.

So, what are you going to do ngayon?” tanong nya. Itinago nalang ang inis nya. Kahit gusto nyang tumulong, tatanggihan lang din naman sya ni Lem for sure.

Nagbuntong-hininga si Lem.  Her breath even shook when she exhaled. Pakiramdam ni Sai, pinipigilan lang nito ang muling umiyak. “Ahh, try ko mag-lobby sa Batasan para maghanap ng congressman na tutulong, hahahaha. Aba, dapat lang na mapunta sa mabuting paraan yung mga kinukurakot nila noh, haha.” Pilit ang pagtawa nya. “Hindi pa tapos ang araw, marami pang pwedeng mangyari.”

Hindi alam ni Cyann kung nagbibiro lang si Clementine o gagawin nya talaga yun kaya tahimik lang syang tumango.

Tumihaya si Clementine at tumingin sa kisame, nabubukas naman na nya ang mga mata nya, pero halatang kagagaling pa rin sa magdamagang pag-iyak. "Haaay. Iniisip ko nalang na yung humoldap sakin, may pamilyang susuportahan, mga anak na walang makain, asawang may malalang sakit.. para hindi ako masayangan sa pera ko," sabi ni Lem. "Parang mas matatanggap ko pa na gamitin nya yun para makatulong kesa ipangsugal o kaya ipambili ng drugs. Tangna, ipapa-assassinate ko yun kapag sa bisyo lang nya ginastos ang perang pinaghirapan ko."

SaiLem One {Head-On Collision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon