A/N: Sareh naman sa late update -___- mahirap pag nakaw lang ang oras para makasilip sa wattpad while at work.. at wala ring laptop sa bahay.. hahaha
Dedicated to DiAkoSiEugene... as my gratitude for reading the previous chapters of this story :) I really appreciate it :D hehe
Si Pinky pala ang bisita natin ngayon :D
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Parang may lamay sa unit ni Cyann. Sa pangalawang pagkakataon, nagkatipon-tipon ulit silang anim doon na pawang tahimik at nagugulumihanan. Nagkapalit na naman kasi ng katawan si Sai at Lem.
“Ano ba kasing nangyari?” usisa ni Jet.
“Don’t ask me, ask her,” pabalang na sagot ni Sai sabay duro kay Lem.
”Kung makapagbintang ka naman! Baket? Kasalanan ko bang mabagsakan ng naglalaglagang tangkay dahil malakas ang hangin? Ako ba si Storm ng X-men na kayang kontrolin ang panahon?” nanggagalaiting sagot ni Lem at hinimas ni Slater ang likod nya upang kumalma sya.
“Tsk. Dude, please lang. Don’t do that. You’re making me look gay eh,” komento ni Sai at tinanggal naman agad ni Slate ang kamay nya.
Natawa naman ulit si Redd at tinignan sya ni Sai ng masama. “What? I’m sorry. This is just too funny.”
Napabuntong-hininga si Pinky. “Ganito kasi yun. Nagja-jogging kami ni Lem along Acad Oval. Pauwi na kami nung nalaglagan ng twig si Lem sa ulo at… eto na nga…” paliwanag nya.
Sai rolled his eyes in annoyance. “Bakit kasi kayo magja-jogging when you know that there’s a storm coming?”
“Kasi HANGIN pa lang sya?” Sarcastic ang boses ni Lem. “Just in case hindi mo maintindihan yun. Ibig sabihin, WALA PANG ULAN. At malay ko bang mangyayari ulit toh?”
“Yes, but anyone in their right mind would know na it’s not the best time to exercise since anytime, pwedeng bumagsak ang bagyo. What if may mangyari sa inyo and you got stranded or whatnot?” depensa naman ng isa.
“Alam nyo, wala tayong mapapala kung mag-aaway lang kayo,” awat ni Jet at medyo kumalma ang paligid. “Pero, naisip ko lang, hindi kaya kelangang matamaan ang ulo nyo or something to either get you back to normal or get your bodies swapped?”
Nakatanga lang ang lima sa kanya kaya nagpaliwanag nalang ulit si Jet.
“Tignan nyo ha,” umpisa nya. “Nagsimula lahat nung maaksidente kayong dalawa,” turo nya kila Lem at Sai na tumango. “Parehas kayong nagka-head trauma. Nung nagising kayo after nun, nagkapalit na kayo ng katawan. Tapos, nung hinampas ni Lem sa ulo si Sai ng tabo, bumalik kayo sa dati. Ngayon, nalaglagan ng tangkay si Lem sa ulo, which led us all back here. Diba?”
“Hala, ibig sabihin, kelangang laging mabagok ulo namin para makabalik lang sa dati? Ang saklap naman nun! Baka naman mamaya mabobo ako bigla!” nabahalang sabi ni Lem.
“Tss. Ikaw mabobobo? With your tendency to make stupid decisions, it seems like walang laman ang brain mo in the first place,” sabi ni Sai.
Walang emosyong tinignan ni Lem si Sai. Pero malamig ang boses nya nang magsalita sya. “Alam mo, hindi kita papatulan sa pang-iinsulto mo. Alam ko namang hindi ako matalino eh. At mas gugustuhin ko nang maging bobo pero may common sense para sundin ang traffic rules kesa magmagaling pero tanga naman sa mas mahalagang bagay. Kasi kahit saang anggulo mong tignan ang pag-drink and drive, tanga lang ang gumagawa nun eh. Tingin mo, sino kayang may kasalanan kung bakit nangyari toh?”
BINABASA MO ANG
SaiLem One {Head-On Collision}
HumorEverything happens for a reason. Kadalasan, shit happens to teach you a life-changing lesson... Tulad ng nangyari kila Cyann Mabanta at Clementine Tongco. *NO SOFT COPY *Karamihan ng mga pangyayari at lugar na mababasa sa kwentong ito ay hango sa to...