Chapter 22: Mystery Congressman

1.3K 84 22
                                    

A/N: Ahaha.. wala lungs.. mukhang alam nyo naman lahat kung sino si Mystery Congressman eh.. si Lem lang ang clueless.. lels

Dedicated to CainKozart dahil silent reader sya :)

nasa side po ang mga wacky picture nina SaiLem sa Tokyo Tokyo.. naka-post yung iba sa FB. Hanapin nyo lang: Cyann "Sai" Mabanta tsaka Clementine "Lem" Romualdez

=============================================

This is annoying.

Pinaikot-ikot ni Cyann ang iPhone nya sa mesa habang nakapangalumbabang hinihintay si Ate Carlene sa Cafe France for lunch.  Naiinis sya dahil halatang umiiwas sa kanya si Clementine. Hindi na nya inabutan ang dalaga pagkagising nya kanina. Tanging text message lang ang natanggap nya mula dito na muli nyang binasa dahil walang magawa.

From: Clementine Tongco

May agahn sa kusina. kain ka nlng. Labas lng ako. Hanap ng part-tym.

Saan naman kaya hahanap si Clementine ng part-time job? Maghahanap ba sya ng bagong Koreano na itu-tutor? Paano kung malayo yung bahay nung student nya? Nagko-commute pa man din si Lem pauwi, delikado. Mag-a-apply kaya sya sa call center? Maraming lalaki dun at sa itsura ni Lem, di nakapagtataka kung mayroong tiyak na mahuhumaling sa dalaga. Lalo na't siguradong mga low-profile guys ang nandun--swak sa mga type ni Lem.

Mas lalong nainis si Cyann sa mga naiisip nya. Bakit kasi kailangan pang maghanap ng trabaho ni Lem eh more than enough na yung binigay sa kanya? Tss.

"Sorry, I'm late," bati ni Ate Carlene aka Ate Carsie sabay nagbeso kay Sai bago umupo.

Hindi pa nga halos nakakapag-settle sa upuan si Ate Carlene, nag-umpisa na si Cyann. "Ate Carsie... I need help."

Napatigil ang nakatatandang pinsan at tumitig sa kanya. "Oh my God. Buntis si Lem?!"

"What the--have you been talking to my Mom?" malamig na tanong ni Sai. Baka naimpluwensyahan na ng kabaliwan ni Mommy Jo si Ate Carlene. "Tsss. No," mariin nyang pagtanggi at ngumiti nang may pagpapaumanhin si Ate Carlene bago binuklat ang menu. "Wala pa nga kaming ginagawa, buntis na agad?" naibulong ni Sai.

"You saying something?" tanong ni Ate Carlene nang hindi tumitingin sa kanya.

"I was going to ask if you accept part-timers sa company. I wanted to ask Kuya Vlad since President sya. But he's too busy with his family," panimula ni Sai dahil iyon naman talaga ang pakay nya nang i-text ang pinsan kaninang umaga. Buti na lang nandun si Ate sa Medical City dahil madi-discharge na si Ate Maxine mamaya.

"I know. Well, I could consider one." Sinara ni Ate Carlene ang menu. "Magpa-part-time ka na?"

Natawa ng kaunti si Sai pero nagbuntong-hininga sa huli. "No, not me. Si Lem. She's so stubborn. After I went through the trouble of pretending I'm a kind congressman at binigyan sya ng malaking amount to cover her expenses..."

May dumating na waiter at kinuha yung mga orders nilang dalawa at pagkaalis, nagpatuloy ang usapan. "Why? What happened? Sige, just tell her na mag-report sa office tomorrow."

"Eh? That's it? Walang interview?"

"I'll interview her for formality. Consider her 'in'," confident na tugon ni Ate Carlene.

SaiLem One {Head-On Collision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon