Chapter 5: Bad Luck

1.7K 97 23
                                    

A/N: Dedicated kay kapatid na quehboom bilang pagbati sa pag-publish ng una nyang story :) basahin nyo ha :D

Yan po ang itsura ng Academic Oval/Circle sa UP. Masarap mag-walking or jogging jan :D

WARNING: Medyo maselan ang chapter na ito. Mejo lang naman :D

--------------------------------------------------------------------------------------------

May isang linggo na rin ang nakalipas simula nang maghiwalay nang landas sina Cyann at Clementine. It was a relief na wala naman sumpang kailangang baliin. Siguro glitch lang yun ng kababalaghan since wala namang scientific explanation para maipaliwanag ang nangyari sa kanila.

Back to normal ang mga buhay-buhay.

Kasalukuyang nagpa-practice ang UP MBT sa College of Human Kinetics (CHK) Gym bilang paghahanda sa nalalapit na University Athletics Association of the Philippines o mas kilala sa acronym na UAAP. In less than two weeks kasi, pasukan na naman at magsisimula na ulit ang patimpalak. Siguradong mas malakas na naman ang ibang mga kupunan kaya kailangan din makisabay ng Maroons. Hindi pwedeng magpahuli. Malay ba nila kung ito na ang taong pinakahihintay nila upang masundan ang unang Basketball Championship title nung naglaro para sa UP si Benjie Paras. Tigang na tigang na sa Final Four Stint ang buong UP Community. Dapat may improvement naman ngayon. Nakakasawa na rin kasing laging nasa ilalim ng rankings ang Maroons.

Feel na feel  ni Cyann ang pressure. Siya kasi ang Team Captain ngayong taon and everybody is expecting so much from him. Kaya kahit sinabi ng coach na hinay-hinay muna sa pagsasanay, hindi nakinig si Sai. He needs to be in top shape. Sino nalang ang magdadala sa kupunan nila kung sya mismo, wala sa kondisyon?

Hinihingal syang naupo sa lapag sa may gilid ng court at tumatagaktak ang pawis nya. Naubos din nya ang isang bote ng mineral water.

“You shouldn’t push yourself, dude,” payo ni Redd na sumalampak sa tabi nya. “It’s no use if you get yourself injured before the season starts just because you’re practicing too hard.”

“Nah, ‘s all good naman, dude. You don’t have to worry,” confident naman na sagot ni Sai at napabuntong-hininga ang Fil-Am boy.

Nakarinig sila ng palakpakan at parehas silang napalingon sa malayong parte ng gym. Nandun din kasi ang mga miyembro UP Pep Squad na nag-ko-conceptualize na ng theme at routines para naman sa Samsung Cheerdance Competition na gaganapin sa darating na September.

May babaeng kumaway sa kanya. Si Nicole Malveda. Matipid na nag wave back si Sai. They both like each other pero ayaw lang talaga ni Cyann na pumasok sa isang committed relationship sa ngayon. Nag-e-enjoy pa sya sa pagpansin sa mga girls. Ayaw rin naman ni Nicole na sya ang gumawa ng first move.

“By the way, have you heard anything from Clementine, yet?” tanong ni Redd.

Umiling si Sai at nagbukas ulit ng isang bote ng tubig. “How would I? I didn’t even get her number. She didn’t get mine din naman.

Natawa ng kaunti ang kaibigan nyang Ingglisero na nakakaintindi ng konting Tagalog. Hindi nga lang yung malalim. “What? Really? After you’ve seen her—“

Mahinang sinuntok ni Sai ang braso ng kaibigan. “Shut the hell up, dude.”

To be honest, kahit anong pilit ni Sai na kalimutan ang di-sinasadyang pagkasulyap nya sa dibdib ni Lem, hindi pa rin nya magawa. At kapag naaalala nya ang insidente, natatawa pa rin sya. Pero ang mas tumatak sa isip nya is the fact that she is still an NBSB. Hmm, man-hater kaya sya? Mukhang hindi naman, kasi she has a suitor and a guy friend. Or siguro meron syang dalang malas when it comes to getting a lover? Meh.

SaiLem One {Head-On Collision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon