A/N: BAHAHA.. SORRY.. pero.. natatawa ako sa chapter na toh.. bahahaha X3
Dahil dyan.. dedicated toh sayo Mareng Maui!!! bahahahaha
Ayan po si Lem na naka-pajama sa living room ni Cyann.. hahah
-------------------------------------------------------
Hindi maaaring magkamali si Cyann. Naramdaman nya ang magaan at mabilis na pagdampi ng mga labi nila ni Clementine. Naramdaman din nya ang biglaang pag-atras ng katabi na iisa lamang ang ibig sabihin.
Aksidente lamang ang nangyari.
Doon lang napansin ni Sai na nakikiunan na rin sya kay Lem at nakayakap na sya sa dalaga at halos nakalapat na ang buong katawan nya sa likod ng katabi—ang automatic na position nya sa tuwing matutulog with a girl, after a one-night stand.
Holy-- . He hopes na sana, he’s not having THAT natural body reaction since umaga na. Sa sandaling panahong nakasama nya kasi si Clementine, siguradong maghuhuromentado ang dalaga dahil walang pag-aatubiling iisipin nitong pinagnanasaan sya ni Cyann. Kaya naman upang maiwasan ang ganoong eksena, hindi binuksan ni Sai ang kanyang mga mata at nagpanggap na mahimbing pa ring natutulog. To complete the show, tuluyan nyang tinalikuran ang dalaga.
At hinintay na tumayo at tuluyang lumabas ng kwarto si Lem.
Hindi naman sya binigo ng dilag.
The moment Lem left the room, napahilata si Cyann at hinaplos ang kanyang mga labi. Yun kaya ang first kiss ni Lem? At that thought, napangiti sya nang hindi oras.
---
Anak ng tinapa! Hindi na sya makatulog dahil parang hamster na di mapakali ang puso nya.
Alas siete pa lang ng umaga at naisipan nyang manood nalang ng TV. Subalit walang naiintindihan si Lem sa pinapanood nya dahil ang aksidenteng pagkahalik nya kay Cyann kanina ang siya lamang tumatakbo sa isipan nya. Habang yakap-yakap pa rin ang malaking unan, hinaplos nya ang mga labi nya at muling nanariwa ang alaala.
Masasabi ba nyang first kiss nya yon? Eh aksidente lang naman ang nangyari. Malay ba nyang nakikiunan na rin sa unan nya si Cyann? At nakayakap pa talaga sa kanya. At ano yung parang matigas na nakalapat sa may bandang pwetan nya? Naramdaman ni Lem na uminit ang kanyang mukha. Yun kaya ang tinatawag nilang morning wood?
Sinubsob ni Lem ang mukha nya sa unan. Well, alam naman nyang normal reaction yun ng mga katawan ng guys early in the morning. Napag-aralan naman nila yun eh.
Pero ang ikinababalisa nya ay kung naramdaman ba ni Cyann ang di-sinasadyang paglalapat ng mga labi nila. Sana hindi. Siguradong iisipin ng mahangin nyang housemate na may lihim na pagnanasa si Lem sa kanya. Well, mukha namang tulog na tulog si Sai kanina eh. Sana nga hindi nya alintana ang mga pangyayaring yun.
Biglang bumukas ang pinto at nag-freeze sa kinauupuan nya si Lem. Subalit nang makita nya ang pinsan ni Cyann na lumabas mula sa kwarto at nag-inat-inat… bakit parang na-disappoint sya?
Napalingon ang lalaki sa kanya at nagkagulatan sila kaya sabay na nagsalita.
“Oh, hi. I’m sorry, I didn’t know—“
“Ah..good morning po.”
“—that Cyann’s girlfriend is here,” narinig ni Lem na sabi ni Kuya Pogi kaya naman napakamot sa ulo si Lem.
BINABASA MO ANG
SaiLem One {Head-On Collision}
HumorEverything happens for a reason. Kadalasan, shit happens to teach you a life-changing lesson... Tulad ng nangyari kila Cyann Mabanta at Clementine Tongco. *NO SOFT COPY *Karamihan ng mga pangyayari at lugar na mababasa sa kwentong ito ay hango sa to...