Chapter 30: The Magic Ends Here

1.8K 98 83
                                    

A/N: Nagsusumigaw talaga yung title diba? Ganun talaga. Wag na kayong humingi ng special chapter/susunod na chapter ng Head-on Collision. Eto na yung finale. hahahaha.

Dedicated sa lahat ng mga sumubaybay sa kwentong ito, lalo na sa mga loud readers: Rachel, Maui, Erin, Ysstar, Zuricute, CainKozart, Mia, arskweirdpai, .. at ang pahabol na si JSedrano.. hehehe

------------------------------------

 

Kararating lang nila Mommy Jo at Daddy Albert na parehas tumuloy sa room nila para mag-ayos. Nasa kalagitnaan din si Cyann sa kanyang pakikipag-usap sa mga kaibigan at batchmates nya sa Ateneo High School nang bigla syang kinabahan. He suddenly rubbed the top of his chest. Bakit parang may mali?

"Dude, you 'kay?" tanong ng isa.

Kumunot ang noo nya. "I'm not sure, eh."

"Heart burn? You should take some meds na. Namumutla ka na eh."

Umiling si Sai. "No, it's... it's nothing like that. I think this is something else..." halos bulong nya at nagpalinga-linga.

"Like an intuition?" usisa ng isa pa at napatango lang si Sai. "Who could it be? Andito na sila Tita ah. Could it be one of your girlfri--"

Hindi na nya napatapos magsalita ang kaibigan. Napatakbo nalang sya bigla sa loob ng bahay. "Did you see Clementine?"ang laging tanong nya sa bawat kasambahay na makita pero lahat sila, umiling lang. Pati sila Ate Hun, hindi alam kung nasaan si Lem.

Sinubukan nyang tawagan ito, subalit walang sumasagot sa telepono.

She couldn't have left, could she?

"Ate!" tawag nya kay Carlene na mukhang kararating pa lang kasama ng kasintahan nitong si Erik.

"Hey, Sai," nakangiting bati nito at sandali silang nagyakapan.

"Uhm, have you seen Lem?" tanong ni Sai.

"Ha? Kita mong kararating ko lang. Bakit? Anong nangyare? Nag-away kayo?" nag-aalalang tanong nito.

Lumilingon-lingon pa rin si Sai sa paligid, umaasang makikita nya si Clementine. "No. I can't seem to find her eh. I've got this... this... bad feeling. Shit. I don't mean to ruin the mood."

Napahawak si Carlene sa kamay ng kasintahan. "Search every room in this house. Tapos kung wala pa rin, give me a call ha."

Halos pasukin na ni Sai lahat ng kwarto sa buong bahay pero wala syang nakitang anino ni Lem.

Nasa third floor na sya at nagda-dial na ng number ni Ate Carlene nang mapansin ang babaeng hinahanap nya-- nakaupo sa living room, nakatungo at nagbabasa ng libro. "Clementine!" tawag nya at napatakbo kay Lem na napatingin sa kanya. Walang anu-ano'y hinila nya ito patayo upang mayakap nya.

SaiLem One {Head-On Collision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon