Chapter 16: Series of Unfortunate Events

1.6K 87 42
                                    

A/N: Kung kilig-tawa kayo sa previous chapter.. malamang iyak-tawa o kaya hagalpak sa tawa ang gagawin nyo dito.. hahahah. Ahh.. medyo mature po ang content ng chapter na ito.. pero wag mag-alala.. WALANG BED SCENE!!! ah eh.. wala pa.. hahahaha.. lels. Pagpasensyahan nyo na.. 26yo na ang author ng storing ito X3

Dedicated sa kapwa Overhearder ko.. arskweirdpai.. :D pramis.. gulat-tuwa ako na may nakakaalam ng mga katatawanan ng mga isko dito.. hahaha

Paki-play ang video nang makita ang mga lugar na tinutukoy sa chapter na ito :) para masulyapan din si Kuya Vlad. Sino sya?

Basahin ang 'The Proxy Wife' ni wyngardium_leviosa :D

--------------------------------------------------------

Dumating ulit si Kuya Vlad kagabi dala ang ilang maleta na akala mo’y aalis ng bansa. May importante daw na aasikasuin sa malapit dun kaya makiki-crash muna daw sya sa unit ni Sai ng ilang araw. At since kalat na sa angkan ni Cyann na may relasyon sila ni Clementine -- thanks to the Facebook status ni Tita Jo -- wala nang nagawa ang dalawa kaya nagpanggap na nga lang sila. Paano nga ba kasi nila ipapaliwanag ang kababalaghang nangyayari sa kanila diba? Baka isipin lang ng iba na nasisiraan sila ng bait.

Kaya rin kahit labag sa kalooban ng babae, natulog na naman sa iisang kama sina Cyann at Clementine. Pero this time, doon na sila sa kwarto ni Sai habang nasa guest room naman si Kuya Vlad.

At kinaumagahan, naalimpungatan na naman si Clementine paggising nya. Paano, nakayakap na naman si Cyann sa bewang nya. Paano ba sila nauuwi sa ganung posisyon eh tatlo-tatlong malalaking unan na ang nilagay nila sa gitna nila bago sila nakatulog kagabi. At sa ikalawang pagkakataon din, napansin na naman ni Lem na there was something hard pressing against her butt cheeks. Nakapikit ngunit nakabusangot na tinaggal ni Lem ang braso ni Sai na nakapulupot sa kanya. Pagkatapos ay kinapa patalikod kung ano man yung something hard na yun.

"What the--?" garalgal pa ang boses ni Sai na parang nagulat.

Doon na-realize ni Lem kung ano ang nakapa at nandidilat ang mga mata nyang napabalikwas nang hindi oras at tumayo papalayo sa kama. "Yaaaakkkk!!! Yaahahahakkkkk!!! Eeeewww!!!" Palahaw nya na halos mangiyak-ngiyak habang fini-flick sa ere ang kaliwang kamay nya.

Humablot si Sai ng unan na nasa paanan nya saka itinakip ito sa maselang bahagi na nakapa ni Lem. "Will you stop screaming?! Nasa kabilang room si Kuya Vlad--!"

Pulang-pula ang mukha  ni Lem na lumapit ulit sa kama at pinulot ang unan na nasa sahig at pinaghahampas iyon kay Cyann. "Bastos ka talaga!!! Bastos! Bastos! Hayop!"

"Aray ha!" Inagaw ni Sai ang unan at lumayo ulit nang mabilis si Lem sa kanya. "Anong bastos? You're the one who suddenly grabbed my di--"

 

"Bakit ka kasi nakayakap sakin? San napunta yung mga unan? Tinanggal mo noh?!" pag-aakusa ni Lem. "Yaahaaakkk!!! Eeeww... my hands... huhuhu," panaghaw nya na tila gusto pang lagariin ang kamay. "Sinasabi ko na nga ba't may pagnanasa ka sa akin eh! Ayoko na! Sa sala na lang ako matutulong mamayang gabi!!!"

"Hoy! It's not my fault!" depensa naman ni Sai. "It's something biological! Do you really think mako-control ko ang reaction ng katawan ko every morning?! At ikaw, pagnanasaan ko? Excuse me, but kahit pa titigan ko nang magdamag ang shapeless body of yours, I won't even get a hard-on!" dagdag pa nya.

SaiLem One {Head-On Collision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon