A/N: O daba? Hondomeng updates? Masayang magbasa pag tuloy-tuloy at hindi bitin doboo?? X3
Kamusta naman ang 'In-Like' status nina SaiLem?? hahahaha. Ahh.. nabasa ko pala sa 'Diary ng Panget' ni Ate Denny/HaveYouSeenThisGirl yung term na 'In-like'.. hahaha.
Kaya.. kay Ate Denny ko na rin ide-dedicate toh. Hi Ate Denny :) Mabasa mo man ito o hindi, okay lang.. hahaha. Pero iyak-tawa ako sa DNP :D hehehe
Yung picture po sa kanan... yan ang suot ni Lem sa interview :) tanggalin lang ang kwintas. hehe
Kyaa ~~ <3
------------------------------------------------------
Grabe. Hindi maarok ni Lem kung gaano kayaman ang pamilya ni Cyann. Isang buong building lang naman sa Makati, pagmamay-ari ng mga Zaldivar. Yung lolo ni Sai na daddy ni Mommy Jo ang nagpundar ng lahat ng iyon. At lahat silang mga anak at apo, may shares sa stocks ng kumpanya.
"You look like a waitress in a high class restaurant," kumento ni Sai habang nagpa-park sa basement.
"Kapanlait mo talaga!" sumbat ni Lem at akmang sisikuhin na nya si Cyann. "Sorry naman kung ito lang ang corporate attire na meron ako!" Naka-pony tail ang buhok, naka-blue long sleeves, black slacks and black flats kasi si Clementine para mukha syang kagalang-galang dahil anak pala ng CEO si Ate Carlene na syang mag-i-interview sa kanya.
Umikot ang mga mata ni Sai. "At least wear some accessories like a vintage necklace or something. Tsaka flats talaga? Don't you have heels?"
"Wala akong accessories at mas lalong wala akong heels. Nahihirapan akong maglakad," pabalang namang tugon ni Lem at bumaba ng sasakyan.
Sinundan nya si Cyann papunta sa elevator banks at sumakay sa isa. Naiilang sya dahil nakatitig lang si Cyann sa reflection ni Lem sa steel panel door ng elevator.
"Ano bang tinitingin-tingin mo dyan?" angal nya at tinaasan nya ng kilay si Sai.
Nabigla sya dahil biglang hinawakan ni Cyann ang buhok nya sabay hila sa scrunchie nya. Kumawala tuloy sa pagkaka-ipit ang mahabang buhok ni Lem.
Ngumiti si Cyann habang nakatitig lang kay Lem. "Much better." Tapos binulsa yung pinang-ipit ni Lem.
Nakakainis talaga. May instant blush-on tuloy si Lem.
"Good morning, Sir Cyann," bati nung receptionist na may matamis na ngiti sa mga labi nito.
"Yeah, hi. Is Ate Carlene here na?" tipid na tanong ni Sai.
"Yes, Sir. Pasok lang po kayo sa office nya."
"'Kay, thanks." Tumalikod na si Sai at sinundan siya ni Lem.
BINABASA MO ANG
SaiLem One {Head-On Collision}
HumorEverything happens for a reason. Kadalasan, shit happens to teach you a life-changing lesson... Tulad ng nangyari kila Cyann Mabanta at Clementine Tongco. *NO SOFT COPY *Karamihan ng mga pangyayari at lugar na mababasa sa kwentong ito ay hango sa to...