Chapter 4: Good Morning!

1.8K 98 37
                                    

A/N: Hindi ako nakatulog dahil dito. -___- Papikit na sana ang mga mata ko nang biglang may pumasok sa isip ko at napahalakhak ako. Etong bagong chapter ang kinalabasan. Mababasa nyo kung baket. heheheh

Inaalay ko ito sa anak kong si Erin_nessa... dahil mejo may ganitong eksena rin sa kwento nya. Mejo mas malala nga lang ito.. hahaha.

Si Redd Anderson po ang bisita natin ngayon :D

----------------------------------------------------------------------------------

Kumukulo ang tyan ni Lem sa gutom kaya naman bumangon na siya kahit nakita nyang madilim pa sa labas. Kinusot-kusot nya ang mga mata nya at tinignan ang oras sa kanyang cellphone. 6AM

Masyado pa siyang bangag para ma-realize na nasa ibang bahay sya at wala sa boarding house. Wala sya sa sariling tumayo at inusog ang upuang ginamit nyang pangharang sa pinto, in-unlock iyon at saka lumabas. Hinanap nya ang kusina.

Teka, bakit parang na-renovate yata ang kusina ng boarding house? Mas gumanda in fairness. Pati mga appliances, parang bagong-bago.

 

Mabagal syang naglakad papunta sa ref. Binuksan nya iyon at nakitang walang laman. Ay, oo nga pala, bakasyon na. Konti lang silang naiwan sa boarding house ngayon. Humikab si Lem at napatingin sa supot ng 7-Eleven sa lamesa. Tinignan nya ang laman at jackpot! May Yakisoba! Papalitan na lang nya mamaya yung kakainin nya. Gutom na gutom na kasi sya.

Binuksan nya ang cup noodles, inilagay ang mga sahog. Nagpainit na rin sya ng tubig sa...wow, kelan pa nagkaroon ng microwave at microwavable mugs sa boarding house? Ayos, umaasenso yata ang landlady nila. Habang hinihintay ang pinapainit nyang tubig, dumukmo muna sya sa lamesa at pumikit ulit. Nanaginip pa sya ng kaunti bago tumunog ang microwave. Maingat nyang kinuha ang mainit-init na baso at ibinuhos ang laman sa cup noodles. Naka-idlip ulit sya habang hinihintay lumambot ang agahan.

Nang magreklamo ulit ang tyan nya, nagising ulit at nagsimula nang kumain. Hmm, bakit ganon? Parang ang tabang yata ng kinakain nya? Pero kebs lang. Tuloy lang ang kain para maibsan ang gutom. Matutulog ulit sya at mamaya na ulit kakain nang matino pagkagising nya. Mabilis nyang naubos ang matabang na noodles. Hinigop pa nya ang sabaw. Nang masimot ang laman, itatapon na nya sana ang lalagyan nang mabasa nya ulit ang tatak: Yakisoba.

Ampupu! Huli na nang malaman nyang dapat pala’y pinalambot muna nya ang noodles, tinapon ang sabaw bago ihalo ang sangkap. Oh well, at least nalagyan ng laman ang tyan nya.

Shet. Ngayon naman, sumasakit na ang puson nya. Siguro buwanang dalaw nya. Pero hindi pwede, two weeks ago sya nagkaroon. So siguro, wiwi lang toh. Humikab ulit sya at pumunta sa banyo. Kinapa nya ang switch para isindi ang ilaw. Nakita nyang bago rin ang itsura ng banyo. Talaga naman, asensado!  

 

Pumipikit-pikit pa si Lem at sabay na ibinaba ang shorts at underwear bago naupo sa trono. Teka, bakit parang hindi yata nashu-shoot at nababasa yata ang mga paa nya?

Tumingin si Lem sa baba at nawala nang tuluyan ang antok nya at napasigaw nang di-oras.

SaiLem One {Head-On Collision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon