A/N: Edi ako na ang malapad ang ngiti habang nagsusulat neto! Hahahaha.. shet.. kinikilig ako na ewan lels >///<
Yung mga pictures ni Sai.. ahh ehh.. next time ko na ipopost.. hahaha
-------
Nagliligpit na sila ng mga pinagkainan nang biglang umambon. Dahil doon, napatakbo sila pabalik sa bahay na noo'y tahimik na.
Sinara na ni Cyann ang pintuan ng kusina bago sinindi ang security lock habang si Lem naman, sinasalansan ang mga pinggan sa sink.
"Are you wet?" tanong ni Sai habang nagpapagpag ng pantalon pati ng buhok.
Nabato tuloy sya ni Lem ng sponge. "Ayusin mo yang tanong mo! Hayup."
"What the--oh, hahahaha." Pinulot ni Sai ang sponge at binalik iyon sa soap dish. "You, ha. How did you know about it? ‘Kala ko ba, you’re ‘inexperienced’?”
Inirapan sya ni Lem. “Mahilig akong magbasa ng libro diba? May mga romance novels na akong nabasa na may ganyan. Hindi ako ganun ka-ignorante.”
“Well, are you?" pang-aasar pa nito kaya hinampas na naman ni Lem ang braso nya.
"Sasapatusin na talaga kita. Tigilan mo ko," sumbat ni Lem at inirapan si Sai. "And for your information, isang malaking 'NO'ang sagot sa tanong mo, literal man yan o Shrek version."
Tumawa ulit si Sai bago hinigit ang isang kamay ni Lem nang makitang huhugasan na ang mga pinggan. "Leave it. It's your birthday. Magpahinga ka naman, kahit today lang."
Akala ni Lem, ihahatid lang sya ni Sai sa guest room kung saan naroroon sila Ate Hunny. Pero nilagpasan nila iyon.
"Uy, t-teka...san mo ko dadalhin?" nauutal na tanong ni Lem habang nakabuntot kay Sai na nakahawak pa rin sa kamay nya.
"You wanna see my portfolio diba? Andun lahat sa room ko," tipid na sagot naman ng binata at nagpatuloy lang sila sa paglalakad. Nilagpasan nila yung center living room hanggang makarating sa kabilang dulo ng third floor.
Mistulang taong-gubat na naman si Clementine nang makapasok sa kwarto ni Cyann. Napakaluwag kasi nito at parang isang hotel suite lang ang pagkakaayos. Fully carpeted ang buong kwarto at puro white, black at chocolate brown ang kulay ng mga kagamitan. Isang malaking kama ang bumungad pagkabukas ng pinto, katapat ang flat screen TV na nasa built-in shelf sa dingding. May isang mahabang white sofa, ilang shelves at isang study table sa kabilang banda, malapit sa balcony. Kapansin-pansin din na karamihan ng mga dekorasyon ay larawan ng sports icon lalo na ng NBA.
“Grabe naman! Banyo mo lang yata yung bahay namin ng Nanay ko!” manghang-manghang sambit ni Lem habang inililibot ang paningin sa loob ng kwarto ni Sai.
“Ganun? Haha. You can leave your stuff on the table muna,” sabi nito at itinuro ang maliit na lamesa sa tabi ng kama bago ito tumuloy sa may shelves.
Sinunod ni Lem ang payo at nakapaang naglibot-libot. Sinilip nya yung isa pang partition ng silid. Wow lang. Hindi cabinet ang pinaglalagyan ng mga damit ni Sai kundi ISANG BUONG KWARTO lang naman o yung tinatawag nilang walk-in closet. Katabi nun ang banyo.
“Look at this one muna,” nakangiting sabi ni Sai buhat ang dalawang album at naupo silang dalawa sa sofa. Kinuha nya yung isa at binuklat yung album bago ipinatong iyon sa hita ni Lem. “That was the first time I had a photoshoot,” kwento nito. “Remember that one photographer na nagsabing mas maganda raw kuha ko when I don’t smile?”
BINABASA MO ANG
SaiLem One {Head-On Collision}
UmorismoEverything happens for a reason. Kadalasan, shit happens to teach you a life-changing lesson... Tulad ng nangyari kila Cyann Mabanta at Clementine Tongco. *NO SOFT COPY *Karamihan ng mga pangyayari at lugar na mababasa sa kwentong ito ay hango sa to...