Chapter 18: That Awkward Moment when...

2.3K 85 39
                                    

A/N: Kamusta ang walang tulog na mag-UD dahil si Mareng Maui at Bebe Erin ay sabay na nag-UD.. hayerp lang kung makapressure o! hahahah

Ah eh... wala akong masabi.. pahaba ng pahaba ang chapters neto. =__= sareh na

Dedicated to Yiean24 dahil bagong reader ko sya :D enjoy.. eheheh

---------------------------------------------------------------

May tumutunog na cellphone.  Alarm yata.

This is irritating. Ang ganda-ganda ng tulog eh.

Umagang-umagang nakasimangot si Cyann na kinapa ang mesa sa tabi ng kama kung saan nakalagay ang iPhone nyang tumutunog. Nakalimutan nya, practice nga pala ulit ngayon. Haay. Asar na pinatay nya ang alarm at pinatong ulit sa mesa.

At tumingin kay Clementine na payapang natutulog at nakaunan sa dibdib nya. Dinama nya ang noo ng dalaga. Wala na syang lagnat. At nakayakap din sa bewang nya.

Napangiti si Cyann sa di malamang kadahilanan. Kung pwede lang, gusto pa nyang matulog, kaso pawis na pawis na silang dalawa. Bukod dun, may ensayo pa siya with his team. Halos isang buwan nalang kasi, umpisa na naman ng UAAP.

Magigising kaya ito kung nakawan nya ng halik? Well, kagabi natuka na nya ang noo ni Lem. Parang gusto pa nyang maka-isa. Pero teka, firsts lang ang gusto nya. Saan kaya maganda? Gamit ang isang kamay, he clipped her hair behind her ear and she huddled to him closer.

Iba ang pakiramdam nun para kay Cyann. Hindi iyon tulad ng normal na gising nya nung ibang babae ang kasama nya – yung pagod at ‘sana-hindi-na-maulit-yung-nangyari-kagabi’ na feeling. Ngayon, masaya at maganda ang gising nya. Bakit kaya?

Nag-isip sya ng mga dahilang makakapagpaliwanag ng kakaibang feelings na iyon.

Ilan na nga ba ang babaeng ‘nakatabi’ nyang matulog? Simula kasi third year high school sya, may ‘experience’ na sya. Ganun talaga pag sikat na varsity player, pipilahan ng girls na handang maghubad pagtuunan lang nya ng pansin… or in Cyann’s case… ‘makasama’ lang sa isang gabi.  

Wala nang roma-romansa—lundag agad sa kama.

Naranasan nya yung dinadalaw pa sya ng mga babae sa ancestral house nila sa Alabang nung dun pa sya umuuwi until sophomore college—nung kasagsagan ng kasikatan nya bilang UAAP Rookie of the Year. Dumating pa sa point na halos araw-araw, iba-iba ang nakikitulog na babae sa guest room ng mala-palasyong bahay nila— lahat ‘project partner’ ni Cyann na may ‘urgent homework’ na kailangang ipasa kinabukasan.

Nung finally, hindi na nakapagtimpi si Mommy Jo, binilhan na nya ng rent-to-own condo unit si Sai malapit sa UP. Hindi daw kaya ng Mom nyang makitang dinudungisan ni Sai ang tahanan nila. Buti nalang nasa US ang Dad nya ng mga panahong iyon dahil kung hindi, baka itinakwil na sya nito ng tuluyan dahil nga hindi nya sinunod ang gusto ng amang mag pre-med course sya.

Tumakbo ang oras at hindi nya napansing he unconsciously kissed Lem’s head while brushing her hair.

Habang iniisip nya ang walang kwenta nyang mga relasyon noon, parang hindi nya masisikmurang gawin iyon kay Clementine. She doesn’t deserve that kind of treatment. Sya yung tipo na sinusuyo… pinaghihirapan… minamahal—

“Yung phone…tumutunog,” sabi ni Lem in her enticing bedroom voice bago ito gumulong papalayo at tumalikod sa kanya.

Gusto nya sanang hilahin pabalik sa kanya si Lem kaso, pinigilan nya ang sarili. AT TEKA. What the hell is he thinking?!

SaiLem One {Head-On Collision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon