A/N: Dahil matagal akong nanahimik.. eto, mahaba-habang pagbabasa nang masulit ang paghihintay. hahaha. Happy Halloween everyone :) Pasensya na dahil bukod sa over-sensitive eyes ng bampira.. may UTI din -___-
Dedicated to JeanneRose dahil hinihintay mo rin ito :D
Si Slater pala ang nasa pichure :D ehehe
================================================
Late nagising si Lem kinabukasan. Hindi nya alam kung bakit hindi nya narinig ang pagtunog ng cellphone nya para sana nakabangon sya ng maaga at nakapaglinis ng bahay. Habang nakahiga, kinapa nya ang phone nyang nasa tabi ng unan.
Kay pait-pait naman kasi. Battery empty pala. Pagkaupo nya sa kama para sana kunin ang charger, naramdaman nya ang pagkirot ng ulo nya. Kumunot ang noo ni Lem saka nya napansing nasa sariling katawan na sya. Nauntog siguro sya kagabi kaya nakabalik ulit sila ni Sai sa dati nilang anyo.
Hinintay nyang sumindi ang telepono nyang nakasaksak na sa outlet ng kuryente. Nagulat sya nang malamang mag-i-eleven na pala! Nakita nyang may mga missed calls at messages sya.
Seven missed calls. Lahat galing kay Cyann. Ano naman kaya ang kelangan nun? Sinunod na nyang basahin ang mga mensahe.
From: Cyann Mabanta 08:13am
Where u at? Wers my brkfast? M not payng 4 groceries 4 nuthin :D
From: Cyann Mabanta 08:50am
-_- Wer u? Ur room’s locked. Dn’t tell me u ran off to sumwer na. We hve 2 deal w/ this shitty curse first.
From: Cyann Mabanta 09:12am
Hey! M tryna call u.
From: Cyann Mabanta 09:31am
ANSWER UR DAMN FONE, LEM!
From: Cyann Mabanta 10:02am
Clementine Tongco! Don’t get me angry. You won’t like me when I’m angry. ANSWER YOUR EFFIN FONE!!!
From: Cyan Mabanta 10:16am
How dare you turn your fone off?! You might be forgetting that you’re JUST an effin free-loader in MY turf. You better be there when I get home.
From: Bes.Pinky 10:33am
Hoy! San u?Galit na galit si Sai.bkt d mo dw cnasagot txt or twg nya?
From: Bes.Pinky 10:52am
Bes.M worried na. San kna?
Hindi pa nya nabubuksan ang mensahe mula kay Slater nang biglang mag-vibrate ang telepono nya. Sa gulat, muntik na nyang mabagsak ito. Pangalan na naman ni Sai ang nagfa-flash sa screen kaya sinagot na rin nya.
Hindi pa nga nakakapag-hello si Lem, binulyawan na sya agad ng binata sa kabilang linya. "What the hell is wrong with you?!" Dinig na dinig nya ang galit ni Sai. "Where are you?!"
Nag-init na rin ng di oras ang ulo ni Lem. "'Tang ina, Sai, wag na wag mo akong masigawan ha. Hindi mo ako pag-aari na kelangang mong malaman kung nasan ako bawat oras!" galit na balik nya. Magsasalita pa sana ang kausap nya sa kabilang linya pero inunahan na nya. "Nandito lang ako sa punyetang bahay mo. Kagigising ko lang dahil batt empty ang phone ko. Alam mo, kung ganito rin lang ang trato mo sa akin, wag kang magtaka kung wala na ako dito mamaya."
BINABASA MO ANG
SaiLem One {Head-On Collision}
HumorEverything happens for a reason. Kadalasan, shit happens to teach you a life-changing lesson... Tulad ng nangyari kila Cyann Mabanta at Clementine Tongco. *NO SOFT COPY *Karamihan ng mga pangyayari at lugar na mababasa sa kwentong ito ay hango sa to...