Chapter 17: Taking Advantage

1.5K 86 21
  • Dedicated kay Jhel Nabos
                                    

A/N: Dedicated to Ate Jhel.. dahil sya ang source ko regarding basic medical stuff. Ang swerte ko dahil RN ang housemate ko!!! hahaha.

Uhm.. un lang.. wala akong masabi kasi.. walang hagalpak-tawa dito :3 Basahin nyo nalangs.. hihihi. Sorry pala sa mahabang UD.. feeling ko.. ang haba-haba na ng mga chapters ko ngayon -_-"

Si cool na cool na Mommy Jo ang nasa pichure :D

-------------------------------------------------

Sa kauna-unahang pagkakataon, naunahang bumangon ni Cyann si Clementine kinabukasan. Naiinis pa nyang pinatay ang umaalingawngaw na beeping sound galing sa cheap phone ni Lem. Pero gumalaw na rin ang babae sa ilalim ng kumot kaya pumasok na sa banyo si Sai, inaasahang babangon na rin ang roommate para magluto.

Paglabas nya, nakatayong nagtutupi ng kumot si Lem. Aasarin sana nya ulit pero biglang tumagilid ang katawan nito at tila matutumba.

"H-hey!" Tumakbo sya para saluhin si Lem at dun nya naramdamang napakainit ng balat ni Lem. Nilapat ni Cyann ang isang palad sa noo nito at halos mapaso sya sa init. Daglian nyang binuhat ang dalaga papunta sa kama at lumabas ng kwarto.

"Kuya?" tanong nya habang kumakatok sa pintuan ng guest room. "Kuya Vlad, are you there?" tawag nya ulit pero walang sumasagot. He tried to turn the knob and found out that it was unlocked. Sumilip sa loob at napag-alamang wala doon ang pinsan. Baka hindi umuwi.

Bumalik si Sai sa kwarto at nakitang nakatayo na naman si Lem at buhat ang ilang damit na pampalit nya. "Lem! Jeezze… you're sick!" suway nya at kinuha ang mga damit sa kamay ng dalaga at inalalayan ito pabalik sa kama. "Lie down muna."

"Ehh~," mahinang ungol ni Lem na napaupo sa kama at mukha talagang nanghihina. "Kailangan ko pang mag-tutor...kulang pa pang-enroll ko..." sabi nya habang hinahanap ni Sai ang remote ng aircon upang patayin ito. "Pag hindi pa ‘ko nakapagbayad bukas...made-delay ako..."

"No," mariing pagtutol naman ni Sai. "Mamaya something worse might happen to you pa. Take a rest na lang." Itinaas nya ang mga binti ni Lem sa kama at kinumutan ito hanggang bewang.

"Ehhhh~~," mahinang angal naman ni Lem pero umayos na rin ng higa. "Kung made-delay ako, mavo-void ang pagiging Lau de ko... sayang yun... pinaghirapan ko yun ehhh~~"

"Tss, don't be makulit nga. Or gusto mo, dalhin nalang kita sa Medical City?" nag-aalalang tanong ni Cyann habang hinahanap sa phonebook ang number ni Pinky.

Umiling lang si Lem. "Hindi na...lagnat lang toh...itutulog ko na lang...Kesa gagastos na naman... kulang na nga pang-tuition ko ehh~~"

"Tss." Yun lang ang nasabi ni Cyann at lumabas ulit ng kwarto at tinawagan ang best friend ni Lem. "Hi, is this Pinky?"

"Uy! Cyann! Kamusta naman kayo ng "girlfriend" mo? Hahahaha," bungad ni Pinky. He could almost hear the quotation marks when she said "girlfriend". That means, nakita na rin nila yung trending na FB status ng Mommy nya.

"She's having a fever eh," kwento ni Sai na nagkakamot ng batok.

"Haaa?!" Gitlang-gitla ang boses ni Pinky. "Kelan pa?"

"Ngayon lang. Can you come over? Ayaw nyang magpadala sa hospital eh."

"Ahh ehh.. nasa Palawan kami ngayon ni Jet eh. Anniv kasi namin," nahihiyang sabi ni Pinky.

SaiLem One {Head-On Collision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon