Chapter 24: Realizations

1.5K 88 28
                                    

A/N: Sa mga nainis, nagalit at na-depress sa previous chapter, eto na po ang pambawi nina SaiLem... hahaha

Eto na yata ang pinakamahabang pangyayari sa isang araw na naisulat ko -__- Akalain nyo, umabot ng 3 chapters?! hahahah

Kung gusto nyo pong makipagkulitan kina SaiLem, hanapin nyo nalang sila sa FB:

*Cyann "Sai" Mabanta

*Clementine "Lem" Romualdez <-- ayaw nya daw gamitin ung 'Tongco' na surname ng Dad nya. Arte lang? chos

Meron din pala si Mommy/Tita Jo!!! >> Dra. Josephine Mabanta

Ahh.. nasa gilid ang picture ni Lem na wallpaper ni Cyann sa phone nya. Hindi pa nasisilip ni Lem ung iPhone ni Sai eh.. lelelels X3

-----------------------------------------------------------------

Siguro mahigit isang oras ang naubos para kumalma si Clementine sa guest room. Tuyong-tuyo na ang mga mata niya at wala nang mailabas na luha tsaka mabigat pa rin ang pakiramdam nya. Ngayon lang din nya napagtanto yung mga sinabi ng binata.

Bakit nga ba padalos-dalos syang nagsalita kanina? Ang hirap pag nadadala ng emotions. Dapat talaga hindi basta-basta nagbibitiw ng salita kapag galit dahil tiyak na nakakasakit ng damdamin ng iba. Kahit hindi naman sinasadya, wala na, hindi na maibabalik ang mga salitang nasabi na. Nakasakit na.

Shet. Gusto ng kausap ni Lem. ‘Wag lang muna si Cyann. Malaki ang atraso nya sa binata na nagmagandang-loob na nga at lahat, sinaktan pa nya dahil sa lecheng pride. Tawagan na lang kaya nya si Pinky? Pero gamit ang ano? Binalik na nya ang cellphone nya kay Cyann. Ano yun? Kakatukin nya yung tao para lang kunin yung telepono? Tsss.

Biglang tumunog yung doorbell. Hindi sana nya papansinin dahil wala sya sa mood mag-entertain ng bisita sa lagay nyang yun. Pero nakailang ulit na ang pag-buzz. Mukhang wala ring balak pagbuksan ng pinto ni Cyann kung sino mang epal ang nandun ngayon.

Napilitang tumayo si Lem pero naghilamos muna ng mukha. Pagtingin nya sa salamin, mukha ni Cyann na namumugto ang mata ang bumungad sa kanya at agad na naman syang binulabog ng kunsyensya nya. Dali-dali syang nagpunas ng mukha at pinagbuksan ng pinto ang bisita.

"Bes?" gulat na bungad nya. Hindi sya makapaniwalang nandun ang matalik nyang kaibigan at mukhang nag-aalala. May telepathic powers ba ito?

Napasandal sa pintuan si Pinky. "Hoo, akala ko si Cyann ang kaharap ko. O ano? Kamusta na kayo ni Papa Cyann? Grabe, nagulantang naman ako sa text mo."

Ha? Anong text? Eh wala naman-- shit lang. "Ahh, dun nalang tayo sa roof deck mag-usap, okey lang?"

Bakit ba sa bawat araw na nakakasama nya si Sai, na-ri-realize nyang hindi pala talagang antipatiko ito. Considerate pa nga eh. Si Sai pa talaga ang nag-text kay Pinky na pumunta sa condo. Alam siguro ni Sai na makakatulong kung may makakausap si Lem. Shit talaga. Pahaba na nang pahaba ang listahan nya kay Cyann Mabanta. Tss.

Nang makarating sila sa roof deck, tinupi ni Lem ang laylayan ng mga pantalong suot nya at saka naglublob ng paa habang nakaupo sa ledge ng pool. Ginaya sya ng kaibigan.

"Ano ba kasing nangyari?" pag-uusisa ni Pinky.

"Peram muna ng phone mo," hiling ni Lem at inabot naman ni Pinky iyon saka binasa ang text message na galing DAW kay Lem.

SaiLem One {Head-On Collision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon