Chapter 13: Complete Misunderstanding

1.5K 80 46
                                    

A/N: Dedicated to Mareng Maui dahil dito na mababanggit si Vlad bilang paghahanda sa pagkikita ng mga characters natin.. hahahaha. Eksaytment na koooo!!! X3

ahh... ayan si Lem na naka-big shirt.. ahahaha.. Lels

============================================

"Are you okay, dear?" narinig ni Lem ang boses ni Tita Josephine nang manumbalik ang paningin nya. "Huwag ka kasing tatayo kaagad. Mabibigla ang dugo mo."

Tumingala si Clementine at sinulyapan si Cyann na nagitla din dahil bigla nalang silang nakabalik sa sarili nilang mga katawan. Paano nangyari iyon nang hindi natatamaan ang ulo nila?

"Clementine?" ulit ni Tita Josephine na may pag-aalala ang kanyang tinig. "Do you want to go to the hospital?"

"A-ahh, I..I'm okay na po, Tita. Nahilo lang ng kaunti," ani Lem at dahan-dahang tumayo ulit. Nakaalalay pa rin si Tita sa kanya hanggang sa makapagpalit si Lem at makarating sa kusina. Hindi nya alam kung saan sya mas magugulat, sa biglang pag-alalay sa kanya ni Cyann na humila pa ng upuan para sa kanya, o nang bumulong ito sa kanya.

"Are you sure you're okay, Lem? Does it hurt pa? Mom's an OB, she could help," tanong ni Cyann at hindi rin maitago ang concern sa kanyang tinig.

Napatango lang si Lem at nagtatakang pinagmasdan si Sai na umupo sa tapat nya habang si Tita naman ang nasa kabisera.

"Hindi kaya you're pregnant, Clementine? And you miscarried?" Si Tita Lem.

"Mom, stop it. She's just in that time of the month. I.. I know that's painful for girls," bulong nya at nginitian sya ng nanay nya habang napasinga ng kaunti si Lem. Waw ha, ibang klase ang impact kay Sai ang magkaroon ng first-hand experience ng menstruation. Nakakatawa.

Naghawak-hawak muna sila ng kamay upang magdasal ng kaunti sa pangunguna ni Tita at pagkatapos ay nagsimula nang kumain. Tumaas ang kilay ni Lem dahil si Sai mismo ang naglalagay ng pagkain sa plato nya.

"Ah, okey lang, ako na lang. Nahiya naman ako sayo," mahinahong sabi nya at kinuha ang kutsara mula kay Sai. Parang kulang nalang subuan sya nito kung hindi nya pipigilan.

"Ayieee." Si Tita Josephine. "Don't mind me. Act sweet if that's what you always do. I'm happy to watch my son waiting on the girl he likes," dagdag nya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Sabay na naubo ang dalawa. Mahinang pinalo ni Tita ang braso ng anak nya. "Ikaw ha, kaya pala you're not calling for Manang Ofelia to come and clean here because you're living together with a girl na."

Napainom ng tubig si Sai. "Mom, it's not what you think it is."

Pero hindi nakikinig si Tita. Paniwalang-paniwala na syang magkasintahan ang dalawa. "Oh come on, Cyann. Don't be shy. This is so obvious. And it's not like I'm against it." Humawak sya sa kamay ni Lem na hindi malunok-lunok ang pagkaing nasa bibig nya. "You're a very good influence to my son and for that, I like you VERY VERY MUCH."

"Tss, yan? Good influence? She always nags me kaya," angal naman ni Sai kaya naman nasipa sya ni Lem sa ilalim ng mesa.

"Kasi napaka-burara mo. Ikaw lang mag-isa dito pero ang gulo-gulo ng gamit mo. Kakalinis ko lang maya-maya parang dinaanan na naman ng bagyo!" balik naman ni Lem at uminom ng tubig para tuluyang malunok ang nginunguya nya.

"Ayiee, ang sweet nyo talaga," parinig na naman ni Tita. "Which reminds me pala. Are you even on the pill, dear?"

Nabuga lang naman ni Lem ang tubig na iniinom kay Sai. "P-Po?"

SaiLem One {Head-On Collision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon