A/N: Wala akong masabi.. hahaha.. daming blessings na nangyayari ngayon v(^-^)v Thank you so much kay Lord!!! ahuhuhu... I owe everything to You.. and I offer all my successes and achievements to Your glory :D
Dedicated to iamANGEEEL dahil hanggang ngayon, natatawa pa rin ako na hindi natin kilala kung sino ang mga pinaglalalagay ko sa book cover mo.. bahahaha XD
Yan pala ang itsura ni Jet.. hahaha..
---------------------------------------------------------------------------
Mainit ang pakiramdam ni Cyann nang gumising kinabukasan upang patayin ang alarm clock that was blaring in his ears. Naiirita sya sa ingay nito kaya napilitang bumangon para patayin ito. Halos nakapikit pa syang pumunta sa banyo dahil ang sakit ng tyan nya. Ano kayang nakain nya kagabi? Yung breaded porkchop kaya? O baka naparami ang inom nya?
Umupo sya sa inodoro, pero ni utot, walang lumabas. Eh bakit parang humihilab ang tyan nya? Napakunot ang noo nya at iminulat ang inaantok pang mga mata. Nag-lag ang brain nya, hindi nag-register ang nakita nyang dugo sa underwear nya. Nakalimutan nyang kagabi, nagkapalit sila ni Lem dahil nauntog sya sa kakatawa habang pinapakinggan ang dalagang mag-growl sa isang awit ng bandang 'My Chemical Romance'.
Matagal na tinitigan ni Sai ang inakala nyang briefs nya, iniisip kung ano kaya yung red stuff na yun. Nagtaka pa talaga sya dahil ang pagkakaalam nya, wala syang briefs dahil boxer boy sya. Matapos ang ten seconds, saka pa lang nag-sink in ang scenario at napasigaw sya nang di-oras.
Tarantang sumugod sa banyo nya si Lem. “Anyare?!”
“I’m fucking bleeding!! My peepee’s fucking bleeding!!!” pagsusumigaw nya habang nakaupo pa rin sa trono at nakatingin pa rin sa underwear nya na ngayon lang nya narealize yung kulay. “And why the hell am I wearing pink briefs?” Pero nang makita nya si Lem na nasa katawan nya, mas lalo syang naghurumentado dahil naalala na nya ang mga nangyari kagabi. “Oh, give me a fuckin’ break!” Lahat na yata ng English curse na alam nya, nasambit na nya ng walang-patid.
Nang mapagod sya, nakapamewang lang si Lem at bored na bored ang itsura. “Ano? Tapos ka nang magmura? Pili ka, tutulungan kita o mananatili ka dyan sa trono hanggang sa mamanhind ang pwet mo?”
“Do you still have to ask? Jeez.” Nang hindi kumibo si Lem mas lalo syang nainis.“The hell are you waiting for? Help me!” he demanded pero sumandal lang si Lem sa pintuan ng bathroom and she was just staring at him blankly. Medyo kumalma naman si Sai. “Please, Lem? Help me.”
Nagbuntong-hininga si Lem at umalis. Muli na namang bumulong ng isang libong mura si Sai. Pero maya-maya, bumalik si Lem, may dalang fresh undies na may something na parang nakapalaman. “Hubarin mo na yan tapos ito isuot mo,” utos nya at nanlaki lang ang mga mata ni Sai.
“W-why do I need to?” nahihiyang sambit nya as he clamped his legs together. Hinila pa nya ang shirt na suot nya para takpan ang maselang bahagi ng…well…ng katawan ni Lem.
BINABASA MO ANG
SaiLem One {Head-On Collision}
HumorEverything happens for a reason. Kadalasan, shit happens to teach you a life-changing lesson... Tulad ng nangyari kila Cyann Mabanta at Clementine Tongco. *NO SOFT COPY *Karamihan ng mga pangyayari at lugar na mababasa sa kwentong ito ay hango sa to...