Chapter 11: Shades of Cyann

1.4K 84 32
                                    

A/N: Mabilis lang ang UD dahil dinadaldalan ako nina Sai at Lem -__-" pinagbibigyan ko kasi baka magtampo at mahimbing tulad nila Haley. hahaha

Dedicated to lollipopbishie... dahil binabasa mo ito at nasa RL mo :) paraan ko ito upang magpasalamat sa pagtangkilik ng aking gawa :) muahugs

Ayan si yumminess Cyann.. >///<

-----------------------------------------------------------------------------------

Nakatanga lang si Clementine habang nakatitig sa babaeng nasa labas ng pintuan ng unit ni Cyann. Buffering pa ang utak nya sa mga narinig nya mula sa bisita. Bakit parang ang bata naman niya para maging nanay?

Napangiti pa ito. "Cyann, son, are you going to make your Mom stay out here in the hall?" Malambing nyang tanong kay Lem.

Holy Shemay. Nanay talaga ni Cyann! Nataranta si Lem at tuluyan nang pinapasok ang bisita. "A-ahh.. sorry po. T-Tuloy po kayo," kinakabahang bati nya habang pumasok na si Tita na nagtatakang tinignan sya.

Anong gagawin nya ngayon?! Ni hindi nga nya alam ang pangalan ng nanay ni Sai eh. Pano na toh?! Gigisingin ba nya si Cyann? Pero anong iisipin ng Mommy nya kung makakita ng babae sa condo ng anak nya? Mabilis na pinagpawisan si Lem dahil sa panic.

Pagtalikod nya matapos isara ang pinto, nagulat sya dahil inilapat ni Tita ang palad nya sa noo ni Lem. "You're having cold sweats. Are you sick, sweetie?"

Shet. Spokening Dollar din si Tita. Kelangan lang naman magpanggap ni Lem diba? Mag-ko-conyo language na rin sya with the accent and all that shizznits."Ah, no po, Ma-Mom." Tama bang mag-assume na 'mom' ang tawag ni Sai sa nanay nya at hindi ‘Mama’ or ‘Mommy’? Packing tape. Sana makalusot. "I-I'm feeling well naman po. I was just surprised. What brought you here po pala?"

Hinawakan ni Tita ang magkabilang braso ni Lem at tinitigan sya. Inilibot pa nito ang mga mata sa buong mukha ni Lem na tila may hinahanap kung ano. Bumilis na naman ang tibok ng puso ni Lem. Paano pag nalaman niyang hindi sya ang anak nya?

"Are you feeling okay na?" mahinang tanong ni Tita.

"A-ahh, opo," sagot naman ni Lem at napalunok.

"No PTSD after the accident at all?" usisa nya nang may pag-aalala.

PTSD. Post Traumatic Stress Disorder ang ibig sabihin nun. Buti nalang Psych major si Lem. "No, naman po. I can sleep well naman po during the evenings.And I'm not having any nightmaresdin po."

Hinawakan ni Tita ang mga pisngi ni Lem. "That's good to hear. But something's off about you," sabi nya at muling pinagmasdan ang mukha ng inaakala nyang anak nya. "Bakit parang ang bait mo ngayon?"

"Ha?" Hindi mabait si Cyann sa sarili nyang Ina? Parang hindi kapani-paniwala bilang kilala syang malambing sa mga fans nya.

"You're suplado kaya at home. Kung minsan nasusungitan mo rin ako," kwento nya na may kasamang pout. Ang cute! May mommy palang marunong magpa-cute at mag-pout. "That's why I'm worried that the accident still has effects on you."

"I swear, I'm okay, Mom. I'm sorry kung nag-alala kayo." Hindi napigilan ni Lem ang sarili dahil na-miss nya bigla ang nanay nya. Gusto nya ulit maramdaman ang yakap ng isang ina kaya nayakap nya si Tita ng hindi oras. "Na-miss ko po kayo."

SaiLem One {Head-On Collision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon