Chapter 27: Real or Fake?

1.4K 76 26
                                    

A/N: Mga friends, kinikilig ako. Yun lang... >///< Taena.. pahirapan sa pagpiga ng natutuyot kong utak ang pagtapos ng HoC.. hahaha.. Buti nalang, maingay sina SaiLem.. hindi nila ako pinapatulog.. hahaha

Goodluck sakin..lels X3

Nasa gilid ang mga itsura nilang dalawa habang nagsha-shopping. Lels. Spoiler ako. XDDD

Kung gusto nyo pong makita yung ibang pictures nila nung nagwi-window shopping... tignan lang ang mga pages nila sa FB: Cyann "Sai" Mabanta tsaka Clementine "Lem" Romualdez

---------------------------------------------------

Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Clementine na napaamin sya ni Ate Carlene na may gusto na rin sya kay Cyann. Grabe naman kasi ang aura of authority ni Ate. Nakaka-intimidate. Mapapasagot ka talaga kahit ayaw mong magsalita.

Pagkatapos nun, hindi na tuloy  maitago ni Lem ang kilig. Halos kurutin na ang sarili para lang hindi sya ngumiti na parang tanga. Oo na. 'Like' na rin nya si Cyann. Punyemas na 'like' yan.

Shet. Ganito pala kapag hinayaan mo lang ang puso mong gawin ang trabaho nya noh? Parang buong buhay kasi ni Lem, puro utak ang pinairal nya. Panahon na sigurong si precious little heart naman ang pagbigyan nya. Hindi naman siguro masama iyon diba? Ngayon lang naman... habang may sumpa pa.

Sa di malamang dahilan, kumirot ang dibdib ni Lem nang ma-realize ito. Oo nga pala, maaaring may taning ang lahat ng ito. Pwedeng bukas, makalawa, sa susunod na linggo, gigising silang dalawa ni Cyann at bumalik na sa normal... na parang walang nangyari. Pati yung nararamdaman nila para sa isa't-isa, back to square one. O baka, zero pa nga.

Tama si Pinky, parang Cinderella nga lang ang kwento ni Lem. May time limit. Soon, the clock will strike twelve, at maglalaho nang parang bula lahat ng mga ito, kasama si Prince Cyann.

Ganun talaga siguro ang kapalaran nya. Pero sino ba naman sya para kwestyunin ang Panginoon sa kasasapitan nya? Lahat ng ito, may dahilan. Habang hindi pa alam ni Clementine kung ano iyon, magpapakasaya muna sya. Lulubos-lubusin na nya ang mga sandali na kapiling si Cyann Mabanta.

Tumunog ang cellphone ni Cyann at nabulabog ang diwa ni Clementine. Babangon na sana sya, pero humigpit lang ang pagkakayapos ni Sai sa bewang nya.

Natawa si Lem nang hindi oras. Isang araw lang pala ang itinagal ng barikadang unan na ginawa nila. Mukhang hindi rin nakatiis si gago. Pero ngayon, may nakapalaman na unan sa gitna nila, para siguro hindi na ma-shock ulit si Lem kung may maramdaman ulit. Sanay siguro talaga si Sai na matulog na may kayakap na babae.

Ayan na naman ang pagkirot ng puso ni Lem. Bakit ba nararamdaman nya ito ngayon? Dati naman, walang epekto sa kanya ang katotohanang maraming babae sa buhay si Sai. Normal lang naman yun sa isang celebrity diba?

At isa pa, hindi naman sila ni Cyann, so bakit masakit?

May-gusto LANG sila sa isa't-isa. Hindi pa naman sila dumarating sa point-of-no-return called 'Love'.

Ano 'to...ahh.. M.U. Sabi nga nila... 'Malanding Ugnayan'.

Tama. Malandi naman talaga by nature si Sai eh. Pa'no kaya kung sabayan ni Lem? Kahit hanggang matapos lang ang sumpa?

"Good morning," bati ni Cyann in his bedroom voice. Naka-squint nyang inabot ang iPhone nya para patayin ang alarm. Kaya naman nakita ni Lem ang wallpaper ng phone nya.

SaiLem One {Head-On Collision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon