Primo
"Hoy, ano pala 'tong nababalitaan kong break na kayo ni George?! Totoo ba 'yon?!"
Napapikit na lang ako nang mariin nang ayan na, nagsisimula na namang i-topic ang topic na iniiwasan ko at ayaw ko munang pag-usapan. Pero saglit, break? Nag-break kami?
"Gago. Kanino mo nalaman 'yan? Kanino mo naman 'yan nalaman?" Tanong ni Gin kay Jude.
"Halata sa mga pinagshe-share ni George sa FB!"
Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag-i-strum ng gitara ko rito sa condo ni Bruce. Si Bruce, wala siya rito ngayon sa unit niya, pumasok siya. Feeling kami naman ang may-ari rito ngayon.
At bago umalis si Bruce, sinabi niya sa'kin na babantayan niya raw si George para sa'kin. TSS.
"Sus, maniwala ka kapag kay Primo galing. Ilang beses na bang nag-break 'tong mga pabebeng 'to pero nagbabalikan ulit nang wala pang isang linggo?" Pagsagot pa ni Gin kay Jude.
Pero tama nga siya, maniwala sila kapag galing sa'kin, hindi sa mga sabi ng iba, nakikita ng iba at haka-haka nila. At tama ulit si Gin, ilang beses na kaming nag-break ni George na kay George lang din 'yon galing, na hindi naman totoo. Simpleng away at tampuhan lang naman na umaabot nang ilang araw, tapos kapag lumamig na ang ulo, bati na agad. Ganoon lang.
Pero itong dahilan ng tampuhan namin ngayon, iba lang.. Kasi ngayon, ako 'yong ayaw makipagbati sa kanya. Gusto ko, ako naman ang suyuin niya. Pero wala eh, simula nga noong umuwi ako noong gabing iniwan ko siya, wala akong natanggap na kahit anong message sa kanya.
Kaya 'di na rin ako magtataka kung napapansin ng mga ito na mukhang may away nga kami ni George ngayon, ilang araw na ba? Mga apat na araw na yata.
Wala, oo na, ang taas siguro ng pride ko. Mas tumaas ngayon dahil hindi nasunod 'yong gusto ko, natanggihan ako. Nasaktan 'yong ego ko, oo. Ewan ko, ang tanga ko rin eh, bakit ko ba kasi natanong 'yon sa kanya? Bakit ko ba kasing naisipan na alukin siya ng kasal? Kaya ang tangang ito, nasaktan nang tanggihan. Parang mas masakit ito kaysa sa mga pagtanggi sa'kin ng mga pinapasukan kong raket.
Hindi ko na rin alam, feeling ko, kailangan ko ngayon ng kausap para sabihin kung mali ba ako o hindi. Kaya nagbabalak nga akong magpunta kay Lolo Lennon, pero paano 'yon? May raket na naman kami mamayang gabi ni Jude, hindi pwedeng hindi pumunta.
"Pre, ano'ng problema?" Tanong sa'kin ni Gin nang tabihan niya ako rito sa sofa.
"Wala. Mukha bang mayroon?" Tanong ko pabalik.
"Oo, mayroon naman talaga base sa mukha at mga galaw mo." Hayop, eh may experience eh. "Ano ba 'yon? Dalian mo na habang nasa banyo pa si Jude at hirap na hirap ilabas ang jebs niya. Pag-usapan natin 'tong dalawa bilang tayo ang may love life."
Napabuga ako ng hangin at tumigil sa paggigitara. Tumingin ako sa kanya. "Nag-away kaming dalawa pagkatapos ng dinner na naganap sa bahay nila." Sabi ko at nanlaki ang mga mata niya.
"Oh, bakit naman? Sabi mo sa'kin noong kinaumagahan nun, ayos naman." Sabi niya sa normal na tono.
Kinabukasan nga nun, tanong nang tanong ang tatlong 'to at syempre, sinabi ko, ayos lang. Sa araw na 'yon, medyo hindi pa ako lugmok dahil sa taas ng pride ko. Kinaya ko pang magpanggap nun, pero ngayon, wala na.
"Ba't kasi naniniwala ka sa kahit ano'ng sasabihin ko?"
"Ah, gets ko na.. Nag-away kayo pagkatapos ng dinner kasi ipinamukha na naman ng tatay niya sa'yo na ayaw ka niya para sa anak niya? Napahiya ka, ganoon?"
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomancePara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...