Ayaw ko na po magdrama, buong buhay ko nang nagsusulat ako dito sa Wattpad na ginagawa ko ang pagdadramang iyon. Haha! De, pero ito po, maraming salamat po sa pagbabasa at pag-aabang sa kwento na ito. Maraming salamat po, at nakatapos na naman po ako ng isang kwento.
Sa kwento na 'to, dito ko na-estimate na 50-50 ang may gusto kung paano magtapos. 50% ay happy ending, sina Primo at George pa rin sa huli. At 50% ay maghiwalay na lang sila, iba na lang ang mahalin ni Primo. Nirerespeto ko po kung paano niyo po i-perceive ang galaw ng kwento, at maniwala man po kayo o hindi, sobrang naa-appreciate ko po 'yong mga nagko-comment at nagme-message po sa akin para lang sabihin 'yong say nila sa nangyayari sa kwento. 'Yung nararamdaman nila at opinyon nila. At seryoso, apektado po ako sa mga sinasabi niyo. Haha!
Pero simula pa noong maisip ko ang story na 'to, fixed na po ang galaw ng kwento. At opo, pati kung paano ang ending. At sabi ko nga po, inspired by The Hows of Us ang Magbalik kasi noong napanood ko 'yong teaser ng THOU, nakaisip agad ako ng panibagong kwento na gagawin. Kaya kung pansin niyo po, may mga ginaya po ako from THOU, at pinakauna ay ang mga pangalan, si Primo at George.
Sana po ay hindi po kayo ma-disappoint sa naging ending. Pero tanggap ko po kung 'di niyo nagustuhan :(
Gusto ko rin palang magpasalamat sa mga kaibigan ko na sinuportahan ang story ko na 'to, ever since! Simula pa Dahil Ikaw at Broken Vows pala. Haha! Maraming salamat, pre! At syempre, sa cover maker ko na missing in action pero lab na lab ko. Pwe. Pre, lodi, para sa'yo 'tong story! Kung naaalala mo, sabi ko, magugustuhan mo 'to. Pramis. (XD)
Kung may tanong po kayo tungkol sa story, kung naguguluhan po, sige, handa na po akong sagutin at ngayon ay tapos na.
Ayun lang po! Maraming salamat po ulit. God bless us all! Keep safe po!
Teka po, special chapters po ba? Opo! Opo! Mayroon po dahil tutal, happy ending po tayo. May bonus na katuwaan lang po. Abangan! 🤍
Twitter: @archtKN
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomancePara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...