"Georgina, anak, kumain ka naman oh.. 'Di mo pa ginagalaw 'yong pagkain mo."
Sambit ng isang ina, nagmamakaawa, nagmamakaawang gawin ang kanyang kahilingan pero hindi sumagot ang anak. Nananatili itong nakahiga, patagilid, hindi tulog. Mulat na mulat ang mga mata nito habang ang paningin ay nasa labas ng kanyang bintana. At kasing kasalimuot ng nararamdaman nito ang silid na maikukumpara sa nararandaman nito. Magulo at miserable.
"Kahapon ka pa 'di kumakain, anak.. Please, kailangan mong kumain para 'di ka manghina.." Sabi pa ng ina pero hindi pa rin sumagot si George.
Hanggang sa marinig niya na ang yapak nito palabas ng kanyang silid at ang pagsara ng pinto, at dito na ulit bumuhos ang kanyang mga luha.
Isang araw ang lumipas ngunit parang isang dekada na ng paghihirap ang kanyang nararamdaman. Hindi niya lubusang maisaisip kung ano lang ang nangyari. Gulong-gulo pa rin siya, litong-lito sa lahat.
Hindi niya alam. Para siyang isang inosenteng inaakusahan sa isang bagay na wala siyang kaalam-alam. Ano lang ang nangyari?
Pinagtabuyan siya ni Primo, tama ang kanyang ama. Hindi kang pinagtabuyan, tinaguan, iniwan, iniwan nang walang matinong rason para sa kanya. Hindi alam ni George, para siyang nagising na kang bigla na nagbago na ang lahat. Ganito na ba katagal ang kanyang pagkawala para makaramdam siya ng ganitong pagbabago? Kasi oo, naninibago siya. Hindi siya sanay, nabigla siya.
Iniwan siya ni Primo, hindi na nagpakita, hindi na tinawagan, walang kahit anong koneksyon. Hanggang sa puntahan niya ito, at dito niya nabisto na tama, tama ang kanyang ama. Na ipinagtabuyan na siya nito, iniwan, sinukuan at parang pagkaing iniluwa. Sa anong dahilan? Dahil hanggang ngayon, litong-lito pa rin siya.
Noong araw na nagharap muli silang dalawa, walang ideya si Primo na sobrang saya ni George. Sobrang saya niya, wala siyang bumalik bigla sa dati niyang lakas. Pero ang lalaking ito rin pala ang naging dahilan ng kanyang paghina ngayon. Para siyang tinigilan sa paghinga, sa pagtibok ng puso. Para siyang naging manhid sa kabila ng ginawang pakiusap ni Primo sa kanyang layuan na niya ito.
Dahil ngayon, iniisip niya, kung may nagawa ba siyang mali para gawin ni Primo ito sa kanya. Pero wala siyang maisip, at ang ama niya ang naiisip niyang dahilan, ngunit hindi ba't nangako silang isa't isa lang ang pakikinggan nilang dalawa? Hindi ba't nangako si Primo na hindi siya nito bibitawan at patuloy na ipaglalaban? Pero ano ang nangyari? Napunta ang mga pangakong sinambit sa kanya ni Primo sa wala. Naging walang kwenta, naging kasinungalingan.
Kung ganito lang pala ang pangalawang buhay na mayroon siya, mas gugustuhin niya na lang ang kamatayan dahil sinisigurado niyang mas masaya, wala nang sakit at lungkot na mararamdaman. Dahil ngayon, buhay na buhay siya pero patuloy siyang pinapatay ng sakit na 'di niya alam kung hanggang kailan niya mararamdaman.
Muli siyang humikbi, at sa mga sumunod na sandali, muli niyang idinaan ang buong araw niya sa pag-iyak dahil sa isang lalaki.
Nadatnan ng ina si George na wala pa ring kaimik-imik na ngayon ay nakaupo na sa ibabaw ng kama. Tulala, at bintana pa rin ang tingin. Hindi niya alam kung ano ang nangyari, pero ang nasa isip niya, ang dala ng pagkakaalam nito na nakunan ang kanyang anak.
Tulad ni George, nabigla rin ang kanyang ina. Hindi niya alam, at bilang isang ina ay nalulungkot siya, ramdam niya ang paghihinagpis na nararamdaman ngayon ng kanyang anak na dahilan kung bakit ito nagkakaganito ngayon. At hindi niya ito masisi, idagdag pa ang dahilan na kanyang nalaman na nakipaghiwalay na si Primo sa kanyang anak.
May galit siyang nararamdaman, pero ang totoo niyang nararamdaman ay mabuting naghiwalay na ang dalawa dahil hindi niya matanggal sa kanyang isipan nang iwanan ng binata ang kanyang sa ospital na kritikal ang lagay. Subalit hindi niya na inalintana, dahil ang importante ngayon, itong nangyayari ngayon. Maayos na si George, at kasama na niya ito.
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomantizmPara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...