Primo
"Labis na naiinip.. Nayayamot sa bawat saglit.."
Kumusta na kaya siya?
"Kapag naaalala ka, wala naman akong magawa.."
Ako, kumusta na ako? Okay ba ako? Mukha bang okay ang senti boy ngayon? Pang-ilang senti of the day and night ko na 'to?
"Umuwi ka na, baby..
Hindi na ako sanay na wala ka. Mahirap ang mag-isa..
At sa gabi'y hinahanap-hanap kita."
Medyo OA na pero walang makakapigil sa'kin na kantahin 'tong kantang 'to ngayon dito sa gig namin sa bar. Sarili kong request eh. Lampake sa mga may ayaw, sorry na lang kay Boss Jay na kanina pa ako pinapagalitan dahil ang lulungkot daw ng mga kanta ko.
Wala eh, miss ko na siya. Nakakaiyak.
"Hanggang kailan ako maghihintay na makasama kang muli sa buhay kong puno ng paghihirap..
At sa tuwing ikaw lang ang pumapawi sa mga luha, at naglalagay ng ngiti sa mga labi.."
Nakapikit lang ako habang kumakanta, damang-dama naman ng tanga.
"Umuwi ka na, baby.. Umuwi ka na, baby.. Umuwi ka na, baby.."
Natapos ko na naman ang kanyang punong-puno ng emosyon dahil sa nagdadrama ako ngayon. Nagsipalakpakan ang mga taong nanonood sa'min at nagsigawan ang mga babae nang kawayan ko sila. Pero deep inside talaga, 'di ako masaya.
"Pre, kaya mo 'yan." Sabi sa'kin ni Bruce.
"Pre, mairaraos mo rin 'yan." Sabi naman ni Gin sa'kin.
"Pre, isipin mo na lang, ako si George." Halos sapakin ko naman ang sumunod dahil paano ba naman, naka-wig at ginawang parang babae ang boses.
Tumawa lang ako nang tipid, kunwari, masaya, normal lang. Pero gusto ko nang umiyak dahil sa sobrang miss ko sa girlfriend ko! Ba't kasi ang tagal umuwi?!
Nagpahinga muna kami bago ulit sumabak sa ilan pang kanta. Nandito kami sa mesa na para talaga sa'min. Alam niyo na, ang lakas namin sa boss namin eh, manager nitong bar na 'to.
Binigyan ako ng inumin ni Gin. "Pre, i-shot mo na lang 'yan. Mas tumindi drama mo ngayon ah. Kagabi, ayos pa 'yong mga kanta ng December Avenue. Pero ngayon, wala na, biyak na." Sabi niya.
"Parang daig pa ang brokenhearted!" Sabi naman ni Jude.
Eh, pake ba nila? Wala silang pakialam! Pero aaminin ko, nagdadrama nga ako ngayon. Duh? Malayo ang girlfriend ko sa kinaroroonan ko ngayon, ilang araw ko na siyang 'di nakikita at hindi nakita. Sino'ng magiging masaya, 'di ba?
Hay, magiging na sana ako kung bukas na ang balik niya, eh kaso.. na-extend! 'Yung three days na sinabi niya, naging four days! Akalain mo 'yon?! Ba't kasi ang tagal! Birthday lang naman, 'di ba? Ba't naging apat na araw? Ano 'yon, birthweek?
Batangas. Pwede ko namang puntahan, pwedeng-pwede ko siyang sundan doon, pero hindi naman ako ganoon ka-walang hiya para gawin 'yon. Tsaka nakakahiya rin naman kung gagawin ko 'yon.
Ano 'yon? Pupunta ako roon dahil nami-miss ko siya?
Pwede rin. Posible.
Pero idadaan ko na lang muna 'tong pagsesenti ko at sepanx ko sa pagkanta. Reklamo naman nang reklamo 'tong mga kasama ko dahil naaapektuhan din daw sila.
"Ano na raw ba ginagawa ni George doon?" Tanong ni Bruce at napaisip ako.
"Doon, kasama raw mga pinsan niya. Nagda-dagat." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomansPara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...