24 - Warned

714 19 9
                                    

Primo

Tanggal ulit ako sa trabaho. Hindi na bago dahil alam kong mapupunta na naman sa puntong ito. Itong isang araw, magigising ka na maiisip mo 'yong nangyari kagabi na oo nga pala, tanggal ka na sa isang trabaho na pinagkakaabalahan mo.

Alam niyo, okay lang naman eh. Okay lang sana kung ako lang kaso hindi, dahil pati mga kaibigan ko, nadamay nang dahil sa akin. Nang dahil sa galit sa akin ni Senator. Nadamay sila nang dahil sa akin at wala akong magawa.

"Sorry ah. Sorry, mga brad." Sabi ko ulit at ininom ulit ang panibagong bukas ko ng beer.

Tinapik ni Gin ang balikat ko. "Ano ka ba? Huwag mo na ngang isipin 'yan. Ang importante, mga pogi pa rin tayo. Ang dami pa namang resto na pwedeng pasukan, 'no." Sabi niya.

"Oo nga, hayaan mo na 'yon. Pero ba't ngayon mo lang sinabi sa amin na pangalawa na pala itong pagkawala mo ng trabaho nang dahil sa tarantadong senador na 'yon?" Sabi naman ni Bruce.

Sinabi ko sa kanila, hindi ko na rin napigilan isarili. Kinailangan ko na rin dahil ang init na rin ng sitwasyon. Noong hindi ko pa nga nasasabi, nagtataka sila nang pagkarating namin sa bar, biglaang sinabi ng may ari na hindi na kami magtatrabaho sa kanila. Kagabi nangyari 'yon kaya napauwi kami nang maaga nang nagtataka ang dalawa sa amin, si Bruce at Gin. Si Jude, alam kong alam niya kaya nananahimik siya.

Kaya nandito kami ngayon sa isang bar, nagkayayaan lang na mag-inuman, at dito ko sinabi lahat. Tungkol sa pagtanggal ko sa dalawang trabaho nang dahil sa tatay ng mahal ko, at tungkol sa pag-aalok ng tatay niya ng pera para iwan ko siya at layuan.

Ang tinutukoy kong trabaho ay 'yong isa pang bar, hindi 'yong sa El Puerto's na kung saan ay kasama namin si Cassie. Pero hindi na rin ako magtataka kung isang araw, ipagtabuyan na rin kami ni Boss Rey.

"So hindi alam ni George 'tong nangyayari sa'yo?" Tanong ni Gin at unti-unti akong tumango.

At dahil ang galing kong magsarili, oo, hindi pa rin alam ni George na dalawang beses na akong natanggalan ng trabaho. At mas lalong wala siyang alam sa gabing nakipagkita sa akin ang tatay niya at inaalok ako ng malaking halaga kapalit ng pag-iwan ko sa kanya.

Hindi ko lang maisip, ano ba? Ano ba ang mali sa akin bakit ayaw sa akin ng tatay niya? Pero natawa ako sa sarili kong tanong at ako rin ang sumagot, bakit? Ano nga ba ang magugustuhan sa akin ni Senator? Isang lalaking hindi nag-aaral, walang kasiguraduhan ang hinaharap. May magkakagusto bang magulang na makatuluyan ang isang tulad ko?

Hindi ko lang maisip na mapupunta sa puntong ito. Itong talagang seryosong ayaw talaga sa akin ni Senator kaya gagawa siya at gagawa siya ng paraan para sumuko ako.. At ngayon, suko na ako, suko na akong ipaglaban kung ano ang kaya ko pero hinding-hindi ako susuko na mahalin ang anak niya. Hinding-hindi ko susukuan si George.

"Ba't 'di mo sabihin? Gago ka ba? Dapat ipaalam mo para--"

"Hindi na kailangan kasi hindi importante."

Hindi niya na kailangan pang malaman dahil importante pa ba 'yon? Hindi na 'yon importante at mas mabuting hindi niya niya malaman ang tungkol doon, tungkol dito, tungkol sa lahat ng ginawa at ginagawa ng tatay niya sa akin.

"Pero ikaw, paano ka?"

Umiling ako. "Huwag niyo akong isipin, nandiyan pa ang El Puerto's, 'no. Tsaka 'yong catering na raket namin ni Jude." Sagot ko sa kanila at medyo tumawa dahil sa pagmumukha nila, kita ko na problemado sila.

"Hindi naman sa pag-aano pero.. pero kung pati 'yon ay dinamay niya?"

Napatingin ako kay Jude nang dahil sa sinabi niya, hindi man siya nagsasalita, alam ko. Kung ano 'yong lungkot na nararamdaman ko dahil sa pagkawala ng trabaho namin, mas doble 'yong sa kanya dahil ito lang talaga ang dahilan kung bakit siya nakakatulong sa pamilya niya. At nagi-guilty ako ngayon dahil sa akin, nadadamay siya.

MagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon