"Normal naman ang result niya, sugar level, blood pressure, and the other tests, all normal. But she needs more rest, Mr. Carbonel."
"Kailangan niya talaga. Lately, napapagod din siya sa pag-aalaga sa akin. And.." Hindi na naituloy ni Miguel ang mga bagay pa na alam niyang dahilan kung bakit ngayon isinugod sa ospital ang asawa.
"Oh, Miguel, don't blame yourself, hijo.. It's my fault, hindi ko na-kontrol ang sarili ko kanina. I didn't know.." Sabi naman ng ama ni George sa kanya.
"Doc, is she okay? Ba't 'di pa po siya nagigising?" Tanong naman ng ina ni George.
"Magigising na siya sa kahit anong oras, she's just sleeping, Mrs. Sandoval. Wala dapat ipag-alala."
Kahit ayaw pa ni George imulat ang kanyang mga mata, kanya na ring ginawa. Dahil kahit gusto niya na lang matulog magdamag para hindi na makita ang kahit sino sa mga kasama niya, nangangati ang mga mata niya na ibukas.
Unang nakapansin sa kanya ang kanyang ina, kaya nilapitan siya nito anak.
"Anak.." Sambit nito at kita niya ang pag-aalala sa mukha nito.
Ngingiti sana siya sa kanyang ina ngunit bigla niyang naalala ang nangyari, ang tungkol sa kanyang nalaman na anak siya nito sa unang asawa ng kanyang ina. At ito na nga, muli niyang naalala ang kanina lang na nangyari.
Gusto niyang maliwanagan, pero sana ay katotohanan na ang kanyang maririnig sa kahit sino. Buong buhay niya, buong buhay niyang alam na nabubuhay siya sa katotohanan. Una, ang akala niyang nabubuhay siya sa kumpletong pamilya pinupunan ng pagmamahal, at pangalawa, ang pangalawang buhay na inakala niyang sinyales para baguhin na ang kanyang buhay nang wala si Primo. Pero hindi, lahat, kasinungalingan. Lahat, nakaplano.
"I'm sorry, anak.. Kung hindi ko sinabi sa'yo.. I'm sorry, please forgive Mommy?" Sabi ng kanyang ina habang hinahaplos ang kanyang buhok. Lumuluha na ito, at ilang segundo ay sinasabayan niya na ito.
Hindi siya nagsalita, pero namamayani na sa kanya ang kapatawaran niya para sa kanyang ina. Pinapatawad niya ang kanyang ina kahit wala pa man ding paliwanag sa lahat tungkol sa pagkatao niya. Pero ang kanyang ama? Hindi niya masabi.
Sinadya ng kanyang ama na kanyang itinuturing ang aksidente na nangyari sa kanya bago mabago ang buhay niya.. Bago siya iwan ni Primo. Ang daming naiisip ni George ngayon at puro panghihinayang ang lahat. Panghihinayang na kung hindi dahil sa aksidenteng iyon ay hindi sila magkakahiwalay ni Primo. Inakala niya na talagang ayaw ng tadhana ang buhay kasama si Primo pero hindi pala. Ang tatay niya ang may ayaw.
Hanggang ngayon, iniisip pa rin niya kung paanong nagawa iyon ng kanyang ama sa kanya? Na kahit sabihing hindi siya tunay na anak nito, paano? Sinong tao ang makakagawa iyon sa isang tao? Nang dahil saan? Nang dahil sa ayaw lang nito sa lalaking mahal niya?
Ganoon na ba talaga ang galit ng kanyang ama kay Primo? Dahil kung halungkatin niya ang utak at buong nakaraan niya, walang nagawa si Primo na mali sa kanyang ama, pamilya at sa kanya mismo. Wala.
"I will tell you anything.. I will. But, anak, hindi ko alam 'yong tungkol sa ginawa ng Daddy mo sa'yo. And I am so confused, so angry and I just can't imagine na magagawa niya ito sa'yo.. na anak ko." Bahagyang nagkaroon ng gigil sa bawat salitang sinasabi ng kanyang ina.
Walang ideya si George nang maisugod siya rito sa ospital, kanina ay matinding pag-aaway sa pagitan ng kanyang mga magulang. Dahil maski ang kanyang ina, nagulat, nakaramdam at patuloy na nakakaramdam ng matinding galit para kay Elizalde. At tulad ni George, hindi alam ng kanyang ina kung kailan mapapatawad ang taong ito. Kung makakaya pa ba nitong makasama ang taong ito.
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomancePara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...