"Oh, my God." Sambit ng isang ina nang mapansin niya ang anak niyang unti-unti nang nagkakaroon ng malay ang kanyang anak.
Hanggang sa mataranta siya nang tuluyan nang dumilat ang mga mata nito. Hindi malaman ang unang gagawin ng ina, kung dapat ba niya itong lapitan at yakapin dahil sa sobrang nasabik siya sa anak, o tawagin ang dapat tawagin upang ipaalam na ito, nagkaroon na ng malay ang anak. Gising na si George.
"Oh, my God, anak." Muli niyang sambit at pumatak ang kanyang luha dahil sa saya.
Nang matauhan siya ay agad niya nang tinawag ang mga nars at ang doktor.
"My daughter is awake. God, she's now awake!" Sabi pa ng ina na labis na ang pag-iyak na ginagawa ngayon.
Lumapit ang doktor at mga nars kay George, kay George na gising na nga, nakahiga pa rin, tulala, tulala na para bang inaalala kung ano ang nangyari. Kung ano ang nangyari dalawang buwan ang lumipas..
"Well, she survived from her recovery. And how come she'll do it within 2 months? Congratulations, Ma'am. Your daughter made it." Sabi ng Amerikanong doktor na siyang nakatakda kay George.
Napangiti ang ina ni George at paulit-ulit na nagpasalamat. Hanggang sa mapatingin siyang muli sa anak niya na tulala lamang, at kinakausap ng doktor sa kung ano ang masakit sa kanya, pero bakit hindi ito sumasagot?
"Ms. Sandoval, speak. Do you know what happened to you?" Saad ng doktor pero hindi sumagot ang dalaga.
Gustuhing magtanong ng ina kung ano ang nangyayari sa kanya pero mas minabuti niyang maging masaya dahil sa wakas, gising na ang kanyang anak, tapos na ang paghihirap, tapos na ang pangungulila.
Saktong pagbukas ng pinto ay ang pagpasok ng kapatid ni George na si Yohan at ang ama niyang si Elizalde. Gulat man ay naging masaya rin ang dalawa dahil sa nakikita nila ngayon na gising na ang babaeng hinihintay nilang bumangon.
"She's having a trouble of remembering everything."
"What? Are you saying that.. that my daughter has an amnesia?" Tanong ng ina sa doktor.
"No, I can see nothing to worry about. Based from her vital signs, I think she got traumatized from the accident happened to her. Let's give her time to recover."
Lumipas pa ang ilang minuto, nandito pa rin ang doktor sa silid. Kinakausap si George, nagtatanong upang magsalita ang dalaga pero walang sagot. Tulala lang at pakurap-kurap lang ang ginagawa. Bago pa man tuluyang umalis ang doktor ay sinabihan niya ang tatay at nanay ni George na pakainin siya dahil alam niyang gutom ito.
Na agad nilang ginawa. Tumulong si Yohan sa pag-alalay sa kanyang nakakatandang kapatid sa pag-upo upang mapakain ito. At tila isang robot si George upang sumunod, at ngumanganga nang simulan na siyang subuan, habang tulala pa rin.
Nang matapos siya sa pagkain, dito na siya napatingin sa mga kasama niya. Nakangiti ang buong pamilya niya at naghihintay sa sasabihin niya, hanggang sa tumagal sa tatay niya ang tingin niya. Bumuka ang bibig niya pero sumara rin, dahil bakit pakiramdam niya ay may maling nangyayari? May kulang..
"What is it, anak? Do you need something?" Agad na tanong ng ina sa kanya hanggang sa umiwas siya ng tingin at napaluha na siya.
"Nasaan.. Ano'ng nangyari sa akin, Mommy?" Nanghihinang tanong ni George.
Napangiti ang ina ni George na si Francheska, dahil mali ang iniisip niya kanina na nawala ang mga alaala nito dahil sa pagkakaaksidente. Hindi, bigo siya, at masaya siya dahil bigo siya.
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomansaPara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...