Georgina
"Misis na Misis ah." Pang-asar sa'kin ni Primo nang tabihan niya ako. Natawa lang ako at pabiro siyang inirapan.
"Ehh, doon ka na nga!" Sabi ko pero natawa rin siya.
"Ayaw ko, kailangan pa rin kitang bantayan. Baka mamaya, mali na 'yang ginagawa mo. Mahiwa mo pa 'yang daliri mo." Sabi naman niya at 'di na ako sumagot.
Guess what? Nagpe-prepare ako ng lunch namin na ako mismo ang magluluto! And guess what? Pinayagan ako ni Primo na humawak ng knife. LOL, pero ang sarap pala sa feeling! Itong naghahanda ka ng iluluto mo. LOL again, siguro nasasabi ko 'to dahil first time ko.
Siguro, mas pinagtatawanan na ako ngayon ng boyfriend ko sa isip niya. Pero huwag siyang mag-alala, mas pinagtatawanan ko rin siya sa isip ko! Dahil paano ko na nga ba siya napapayag? Ah, 'yong kagabi. 'Yung pagmamakaawa ko sa kanya na ako ang magluto ngayong araw, at habang sinasabi ko 'yon, hinahaplos ko ang pisngi niya at puro "please" ang sinasabi ko. Napa-oo ko siya! Ako talaga ang weakness niya, I knew it! Nyaha!
Eh, I want to try! Isa kasi ito sa mga bagay na 'di ko pa nata-try buong buhay ko. Sa bahay kasi, may cook kami na siyang responsible for doing the cooking for us. At pagagalitan ako kapag nakialam ako eh. Kaya rito na lang.
Buti naman at 'di na umangal si Primo. Pero we agreed that he'll help and teach me how to cook. I loved the idea. Tuturuan at tutulungan niya ako magluto, siya ang magsasabi ng mga gagawin ko. Kaya ito, pabantay-bantay siya sa akin at ilang minutes ay aalis din. Ang iluluto namin ay sinigang na baboy! Yummy! Pero parang may ginagawa nga siya sa bandang likod, 'di ko alam kung ano.
Si Lolo Lennon naman, nasa room niya, nanonood ng news.
"Love, okay pa ba 'yong time para sa paglalaga ng pork?" Sabi ko nang tumngin ako sa wall clock. 9:30 AM na kasi.
"Oo naman, Mahal. Madali lang maglaga ng baboy, hindi tulad ng baka na mga isang oras ang kailangan." Sagot niya kaya napatingin ako sa kanya.
Alam niyo, ngayon, iniisip ko na what if nag-aaral pa rin siya as HRM student or baka nasa culinary school na siya? Ilang taon na siyang nag-stop pero ramdam ko at kita ko na mahal niya talaga ang pagluluto. Bukod sa ang dami niyang alam, ang sarap niyang magluto. Alam niyo 'yon? Parang mas daig niya pa 'yong mga cook namin sa bahay. Para siyang isang professional chef sa isang famous restaurant. No joke, ang sarap niya magluto.
Ilang beses ko naman nang natikman ang luto niya kapag nagkakaroon siya ng time para magluto. Pero ngayon, ngayon 'yong time na araw-araw kong sinasabi na ang galing niya. Kainis, nakaka-turn on naman 'yong galing niya sa pagluluto aside from his nice voice.
Balang araw, baka magkaroon siya restaurant or bar. Hindi 'yon malabo.
"Oh, ano'ng tingin 'yan, Mahal? Marupok ako ah." Sabi niya at ngumiti ako.
"Wala."
"Sus, sabihin mo na. Crush mo 'ko, 'no?" Tanong niya at tumawa siya.
Siya pa rin 'yong Primo na laging inaasar ako sa line na 'yan. Crush siya riyan. Oo na, crush ko naman siya dati noong naging close kami. Ang pogi niya kasi at ang lakas ng appeal.
"Crush? Eww, baka ikaw diyan ang may crush sa'kin." Sabi ko naman kunwari at nag-focus na ulit sa ginagawa ko.
Narinig ko siyang tumawa at nagulat ako sa pagnakaw niya ng kiss sa cheek ko. Kainis, nilalandi niya na naman ako. Pulang-pula na naman ako.
"I love you." Sabi niya at lumingon ulit ako sa kanya.
"Love you, too." Sagot ko. "Nga pala, ano bang ginagawa mo riyan sa likod?"
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomancePara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...