Nakatingin lang ako sa kanya habang pinapahiran ng lotion ang legs ko. Kahit hindi siya nakatingin sa akin at nakayuko siya, kita ko 'yong lungkot sa mukha niya. Ramdam ko, at wala naman din akong magawa kundi ang malungkot.
I know he's tired, sinabi ko nang magpahinga siya pero ayaw naman niya. Ang sabi niya, gusto niya akong alagaan pero okay lang naman ako. Siya nga dapat ang alagaan ko, siya dapat ang pasayahin ko dahil alam kong nalulungkot siya sa nangyari.. Nangyari kay Lolo Lennon.
Lolo Lennon passed away.. He passed away five days ago. At malungkot ako, nalulungkot at nagluluksa ako sa pagkamatay ni Lolo Lennon. At mas nalulungkot ngayong nakikita ko kung paano na nasasaktan si Primo sa pagkawala ng Lolo niya.
Alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang Lolo niya o kahit sinong tao na malapit sa kanya. At alam ko kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay, tulad noong nawala si Miggy..
I bit my lower lip, ayaw kong umiyak kahit gusto ko. I don't know, dahil siguro sa hormones kaya madalas ay madali akong maging emotional kahit pinipigilan ko. But I'm trying myself not to cry dahil alam kong mag-aalala lang si Primo sa akin, at mas malulungkot lang siya.
Nang matapos siya, napatingin siya sa akin. Ngumiti siya pero ramdam ko na 'yong ngiti niya ngayon, malungkot. Napangiti na lang din ako sa kanya.
"Bakit mo pa ba ako inaalagaan? Pagod ka na. Kaya ko naman ang sarili ko, Love.." Sabi ko sa kanya at umiling siya.
Ipinatong niya ang mga kamay niya sa ibabaw ng mga hita ko, still, nakaupo pa rin siya sa ibaba habang nakatingala sa akin na nakaupo naman dito sa kama.
"Pagod ako, oo, pero hindi ibig sabihin na hindi na kita aalagaan." Sabi niya at dumako ang tingin ko sa isang kamay niyang dumapo na sa tiyan ko kung saan ay malaki na ang baby na hinihintay naming lumabas. Seven and a half months na..
Gusto ko pang umangal pero wala, matatalo lang naman ako sa mga banat ng asawa ko. Gusto ko lang naman siyang magpahinga dahil trabaho at pagpunta sa Tagaytay sa burol ni Lolo Lennon ang ginagawa niya. Ito ang ginagawa niya since nalaman namin na wala na si Lolo Lennon.
I remember that day noong nalaman naming wala na si Lolo Lennon, sobrang na-shock siya. 'Yung saya namin sa araw na iyon, nawala. Sobra siyang nalungkot. Oo, umiyak siya. He was broken. And the last time I saw him like this, noong namatay ang Papa niya. Mahal na mahal ni Primo ang Lolo Lennon niya, kahit ako, napamahal na rin. Kaya rin ako nasasaktan nang ganito. Now, dalawang Lolo na ang nawala sa kanya..
Pati si Aurora na hindi pa ganoon katagal na kakilala ang Lolo Lennon niya, sobrang sad din. Naalala ko, excited siya sa tuwing papasyal kami sa Tagaytay para kitain ang mga Lolo ni Primo. Napahamal na rin ang pamilya ni Primo sa mga anak ko kahit hindi naman galing kay Primo ang mga ito..
"Sorry, George.. Sorry, Mahal." Sabi niya sa akin at kumunot ang noo ko sa taka.
"Ha? Para saan?"
"Sorry dahil nakikita mo akong nasasaktan, alam kong apektado ka rin." Sabi niya sa akin at kinuha ang kamay ko para halikan. "Please, George, ispin mong walang nangyari, isipin mong 'di mo ako nakikita dahil ayaw kong may mangyaring masama sa'yo at sa anak natin."
Garalgal ang boses niya, parang anytime ay babagsak na naman ang mga luha niya. Naalala ko kahapon, nadatnan ko siya sa banyo. Ayun, umiiyak, kahit nakita ko na, nagde-deny pang nalagyan niya ng soap ang mata niya.
Ngumiti ako nang malungkot. Kahit kailan talaga, ako pa rin 'yong iniisip niya. Nadagdagan lang, si Aurora, si Gia at itong baby namin.
Ipinalibot niya ang braso niya sa beywang ko habang nakaupo pa rin sa ibaba. Hinalik-halikan niya 'yong tiyan ko, nilaro-laro ko naman ng buhok niya.
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomancePara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...