Primo
"Gago ka, pre. Seryoso ka ba? Tatlong gig na nating kasama 'tong ex mo, hindi pa rin alam ni George? Gago ka, baka maging away sa inyo 'to." Sabi sa'kin ni Gin habang nagtotono ako ng gitara.
Nandito kami sa condo ni Bruce, as usual. Alas 4 na ng hapon, at mamayang alas 6 pa ang gig namin sa El Puerto's, 'yong kay Boss Reynard.
Hindi ko pinansin 'yong sinabi ni Gin pero hindi rin ako nakatiis, tumingin ako sa kanya at bumuga ng hangin. "Para saan pa? Eh, ex ko lang naman 'yon. Hindi naman 'yon importante."
"Oo, alam namin. Pero si George, alam niya ba na may ex kang hindi naging madali para sa'yo na bitawan pagkatapos kang iwan? Alam niya ba 'yon?"
Alam ko ang gustong iparating ni Gin, alam ko.. At alam kong iniisip niya na baka magselos si George. TSS, ba't naman? Ano naman kung ex ko 'yong bagong kasama namin, 'di ba? Okay na siguro 'yong alam ni George na may naging ex ako, okay na 'yon.
At kailangan ba talaga, ayun ang irason ni Gin? Ako? Kailangan pa ba talagang ipamukha na ako 'tong iniwan? Na ako 'tong nagmukhang kawawa? Past is past. Wala na rin akong pakialam. At mas lalong wala na akong balak na pag-usapan pa 'yon.
"Primo, pakiramdam ko, kailangan mong sabihin 'to kay George. Kailangan dahil isa pa, parang may gusto pa sa'yo 'yong ex mo. Nahuhuli kong tumitingin sa'yo."
Natawa na lang ako sa sinabi ni Bruce. Malamang, may mata siya eh. Malamang, siya 'yong ka-duet ko sa korning naisip ng boss namin.
Alam nilang tatlo 'tong tungkol sa naging ex ko. Pero sa totoo lang, wala na akong pakialam. Nawalan na ako ng pakialam kaya uulitin ko, bakit kailangan ko pang sabihin kay George, 'di ba? Mas magiging away lang kung sasabihin ko pa at takot akong makita ang reaksyon niya. At wala siyang dapat ipag-alala dahil siya na lang 'yong tanging naiisip ko.
Pero taksil din itong sarili ko dahil simula nang makita ko ulit si.. Cassandra, hindi ako makapagsalita nang maayos sa tuwing kausap ko sa telepono si George o sa tuwing kasama ko siya. Parang may bumubulong sa'kin na kailangan kong sabihin sa kanya pero mas gusto ng sarili ko na huwag dahil wala rin namang kwenta.
"Sabihin mo nga sa'kin, may closure ba nung nag-break kayo ni Cassie?"
Kailangan ba, ungkatin pa nila? Hindi ko rin naman sila masisi dahil alam nila, alam nila at saksi sila. Pero wala na akong pakialam. Ex girlfriend ko lang 'yon. Ex at hanggang doon lang.
Hindi ko alam sa laki ng mundong 'to at sa tagal na ng panahon simula nang mangyari ang lahat, ito, nagkita ulit kami. At sa malas, nagkasama pa. Ngayon pa talaga?
"Kasi kung wala, mukhang ayun ang kailangan niyo para 'di ka mahirapan na iwasan siya." Pagtuloy ni Gin at napatingin ako sa kanila.
"Wala na akong pakialam sa kanya, okay? Wala na, masaya na ako. Itong pagsasama niya sa'tin, trabaho lang. Ayun lang, wala nang kahit ano pang koneksyon." Sagot ko at ramdam ata nila 'yong tensyon na namumuo kaya hindi na sila nagsalita pa.
Pero hindi nagpaawat si Gin. "Sige nga, kung si George, may ex tapos kasama niya, ano naman ang dating sa'yo?"
"Magkaiba 'yon. Magkaiba kami. Pwede ba, tigilan niyo na nga ako. Alam ko 'tong ginagawa ko. Alam ko." Sabi ko at nagpaalam na lang sa kanila para umalis at umuwi na lang muna. Kailangan ko lang palamigin 'tong ulo ko na ilang araw na ring gustong pumutok dahil sa iniisip ko.
***
Sa pagkakatanda ko, hindi siya marunong kumanta. Sa pagkakatanda ko, hindi niya gawain 'tong pagkanta. Pero ano'ng nangyari sa kanya? Ano ba 'tong pinapasok niya?
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomantizmPara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...