Primo
Umaga. Pagmulat pa lang ng aking mga mata, bumangon na ako. Inayos ko na ang sarili ko, pero bago 'yon ay kinuha ko ang phone ko nang marinig kong tumunog.
Si George, nag-text sa'kin.
From: Bossing ko na mahal ko
Hi. Kung gising ka na, just wanna tell you na nandito na ako sa cafeteria nitong hotel na 'to.
Sakto pala eh. Kaya nag-reply agad ako.
Hintayin mo na ako. Pababa na ako, Ma'am! 😊
Natatawa nanlang ako sa nga emojis na ginagamit ko. Malamang, kahit hindi ko kita, naki-cringe na ito sa akin.
Sinuot ko na ang cargo short ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko pagkatapos kong maghilamos, nagsipilyo at jumingle. Tumingin pa ako sa salamin, pogi naman ako ah. At sabi nga ni Jude, mas bata ako.
Dala-dala ang phone ko, nakarating na ako sa cafeteria nitong hotel na 'to. Nilibot ko ang paningin ko para makita siya at ayun, nakita ko agad siya. Nakaupo na, at busy sa pagkakalikot ng phone niya. Agad ko na siyang nilapitan at tinabihan.
Tinabihan ko talaga dahil sa tabi niya ako umupo. Nagulat pa siya pero hindi naman niya ako pinagbawalan. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti lang din siya nang tipid.
"Order ka na. Ako ang bahala." Sabi niya sa akin.
"Ikaw? Nakapag-order ka na ba?" Tanong ko naman sa kanya.
"Later. Ikaw muna." Sagot niya at itinuon ulit ang atensyon niya sa phone niya. Pasimple kong sinilip, sino pa ba ang dahilan lang bakit siya busy? Wala nang iba kundi si Sir Miguel.
Lumapit na sa akin ang waiter at sinabi ang order ko. Wala, kape at tinapay lang. Hindi naman ako ganoon kagutom eh. At siya naman, ito, busy pa rin.
Patingin-tingin lang ako rito sa paligid nang bumalik sa kanya ang tingin ko nang tumunog ang phone niya. Napatingin din siya sa akin, para siyang nagdadalawang-isip kung sasagutin niya ba 'yong tawag o hindi. Tumingin ako sa phone niya, at si Sir Miguel. Agad niyang iniwas sa akin 'yong phone niya.
"Primo, pwede bang.. Pwede bang lumipat ka ng upuan?" Sabi niya sa akin at dahan-dahan akong napatango.
Lumipat nga ako ng upuan, sa tapat niya. At dito niya na sinagot ang tawag ng asawa niya. Napaiwas lang ako ng tingin.
"Hi, honey. Good morning." Bati ni George at katagang 'yan pa lang ay halos takbuhan ko na para 'di ko na marinig ang mga susunod.
Hindi lang pala basta tawag, kundi video call. Syempre, kailangan, nakikita nila ang isa't isa. Ganyan kami dati eh.
"Good morning, hon." Narinig ko namang bati ni Sir Miguel.
Buti na lang, dumating na rin ang in-order ko, kaya may dahilan para rito ko ituon ang atensyon ko pero wala eh. Walang kwenta, dahil kahit hindi man ako nakatingin ay rinig pa rin ng dalawang tainga ko ang pag-uusap nilang dalawa.
Malambing, at puro pangungumusta sa isa't isa. Hanggang sa sabihin ni Sir Miguel na miss na miss niya na si George.
"I miss you, too." Sagot din naman ni George kay Sir, napatingin siya sa akin pero umiwas din kaagad.
"Oh, parang mag-isa ka riyan. 'Di pa ba gising 'yong kasama mo, hon?" Tanong ni Sir Miguel.
Gusto ko sanang sumulpot sa likod ni George, tapos biglang mag-hi. Tapos syempre, matutuwa si Sir Miguel dahil ako ang kasama ng asawa niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomancePara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...