Primo
Tangina. Tangina, sabihin ninyong hindi totoo 'tong nakikita ko. Sabihin ninyong hindi totoo na nandito siya.. Tangina, sabihin niyong nananaginip lang ako pero hindi, dahil ilang minuto na ang lumipas nang simula kong sabihin ang mga ito ay walang nangyayari. Tangina, totoo 'tong nangyayari ngayon. Totoo 'tong nakikita ko ngayon.
Totoong nandito siya. Totoong nagbalik na siya.
"Primo, okay ka lang?"
Napalingon ako sa nagtanong sa akin, si Cassie.
"Oo. Ba't mo natanong?" Sabi ko sa kanya at umiwas ng tingin.
Pero bago ko pa gawin iyon, napansin ko ang pagtingin din niya sa gawi kung saan ako nakatingin. Tinawag si Cassie ng mga kaibigan niya kaya nagpaalam din siya sa akin. Nanatili akong mag-isa rito sa mesa kung saan ay kasama ko kanina 'yong tatlong kaibigan ko at si Chloe pero wala na ngayon.
Nasaan na sila? Ayun, nandoon sa kanya.. Nandoon kay George. Masayang-masaya sila sa pagbabalik niya at mula rito sa kinaroroonan ko, nakikita ko siya. Nakikita ko kung paano siya ngumiti at tumawa at tuwang-tuwa rin na makita sila.
Simula nang ipakilala siya, hindi na naging maayos ang pagfa-function ng utak ko. Hindi na rin ako makagalaw nang maayos, oo, aminado ako. Tuliro ang mga kilos ko.
Lahat, abala na sa pagkain pero ako, nandito pa rin na nakaupo at kinukuha lang ang bawat alok ng waiter sa akin na alak. Hindi ko ramdam ang pagkalasing ko sa dami na nang nainom ko, dahil alam kong nasa katinuan pa rin ako.
"Kumain ka nga! Puro ka alak!" Saad ni Bruce at inilagay sa harapan ko ang pagkain na kinuha niya para sa akin.
Nanatili pa rin akong nakatingin kay George hanggang sa umiwas ako ng tingin at dumako kay Bruce. "Tangina, sabihin mo nga sa akin. Alam mo bang darating siya rito kaya pinilit niyo 'kong magpunta rito?" Tanong ko at itinaas niya ang dalawang kamay niya.
"Hoy! Judgemental ka! Hindi ah! Hindi ko nga alam eh! Nagulat din ako!" Sagot niya at kumbinsido naman ako.
Tangina, ba't ko naman naisip 'yon? Ano naman kung nandito siya, 'di ba? Ano naman kung nandito siya? Ano pa ba ang pakialam ko? Wala akong karapatan para sabihin na sana wala siya rito. Na sana hindi siya nagpunta rito dahil nandito ako. Tangina, ano naman kung nandito ako?
"Uuwi na ako." Sabi ko pero agad akong pinigilan ni Bruce.
"Tangina, bakit?" Tanong niya sa akin.
"Masakit ang ulo ko." Pagsinungaling ko at napangisi siya.
"Dahil kay George? Dahil nandito si George kaya ka uuwi? Bakit ba parang takot ka na nandito siya?"
Tinatanong pa niya talaga ako? Tangina ba siya? Tangina talaga niya!
Hindi ako sumagot at hindi ko talaga kayang pumirmi. Ininom kong muli ang inumin na nasa harapan ko at napangisiw si Bruce.
"Dude, alam mo, gutom lang 'yan. Kumain ka muna."
"Tangina, alam kong alam mong darating siya."
"Tangina mo rin, sabing hindi nga. Ni pati si Gin, gulong-gulo. Pakiramdam ko, si Chloe ang may alam."
Hindi na importante kung sino ang nakakaalam, basta ang gusto ko lang, umalis na rito. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang matulog. Gusto ko nang magpahinga dahil gaya ng sabi ko, masakit ang ulo ko.
"Kapag umuwi ka, pinatuyan mo lang talaga na bitter ka pa rin sa nangyari sa inyo ni George noon."
Napatigil ako sa sinabi niya, umigting pa ang panga ko. Napatingin ulit ako kay George hanggang sa bumalik sa kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Magbalik
Roman d'amourPara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...