14 - In Control

705 17 0
                                    

Primo

Buong maghapon akong nandito sa school na dating pinapasukan ko, dito sa university kung saan ay nag-aaral si George. Hindi na ako umuwi, buong araw akong nakatambay dito sa canteen. Dito na ako nag-almusal, lunch hanggang sa sumapit ang hapon, nandito pa rin ako at hinihintay siya. Alam niya naman na hinihintay ko siya, usapan namin na lalabas kami after ng classes niya.

Balak ko sanang ipasyal. Alam niyo na, date. Eh, para naman mapasaya ko siya ngayong araw at na-miss din naman namin ang isa't isa eh.

Alam niyo 'yon? Ilang beses ko na 'tong nasasabi pero kahit araw-araw na naming nakikita ang isa't isa, miss na miss pa rin namin ang isa't isa. Parang gusto ko na lang na makasama siya forever. Kaya sabik na sabik na akong maging asawa siya eh.

Pero ngayon, isa rin sa iniisip ko ay 'yong pananakit ng tatay niya. Hindi ko lang maisip na nagawa 'yon ni Senator sa kanya.. Nang dahil sa akin.

Kahit itanggi ni George na wala akong kasalanan at kinalaman, ako at ako pa rin ang ugat ng lahat. Dahil ayaw ako ng tatay niya, dahil isa lang akong hamak na lalaking ordinaryo lang na namumuhay, walang kahit anong maipagmamalaki at walang-wala sa buhay.

Malinaw para sa'kin 'yon, sobrang linaw dahil alam ko naman 'yon eh.. Minsan, napapaisip ako kung tama ba talaga 'tong pinasok ko? Na isang anak ng senador ang nobya ko?

Pero unang-una pa lang, nagustuhan at minahal ko si George hindi dahil sa mayaman siya o sikat siya. Mahal ko siya dahil mahal ko siya. Ayun 'yon.

Si George, makita ko lang na nagrereklamo sa akin sa tuwing nakakagat siya ng lamok, halos gusto ko na lang ipaubaya ang katawan ko para ako na lang 'yong kagatin. Pero ngayon na nakita kong may pasa siya sa mukha dahil sa sinampal siya ng tatay niya, halos 'di ko kayanin tignan dahil naiisip kong sugurin ang tatay niya at kausapin tungkol dito.

'Di ba, dapat ako na lang? Dapat sa akin niya ginawa 'yon? Kasi 'di man ako ang nasaktan, parang doble naman 'yong nararamdaman ko ngayon eh.

Nakaupo lang ako rito, may mga pabati-bati sa akin at may mga babaeng nagpapa-cute din sa'kin. Naaalala ko 'tong mga 'to, ito 'yong grupo ng mga babae na nagpapa-cute din sa akin dati pa. At 'yong isa, kaibigan ni Cassandra.

Si Cassandra, 'yong ex ko. Naisip ko siya, nag-stop na rin pala siya mag-aral dahil sa financial problem. Kaya siya nagtatrabaho dahil naalala ko na sabi niya, nag-iipon daw siya. Wala lang, naalala ko lang, sinabi niya sa akin pero patango-tango lang ako habang kinukwento niya sa'kin.

At dati, dito rin kasi siya nag-aaral, noong senior high kami. That time noong kami pa at iniwan niya ako. Wala na 'yon sa'kin, kasi may Georgina Ysabel Sandoval na ako na magiging asawa ko.

Nilalaro ko lang 'yong bote na wala ng karga rito sa mesa. Bigla akong natawa dahil ilang oras na ba akong nakatambay dito? Na parang bahay na kung ituring ko eh. Haha!

Tanong nang tanong na rin sina Bruce kung nasaan ako. Buti na lang at hindi ako nakita ni Bruce dito at baka isama niya na ako papunta sa condo niya. 'Di bale, mamayang 8 pa naman ang gig namin eh.. Kung tumagal ang date ko, edi sub muna ulit ako ni Gin.

Ganoon kadali.

Napangiti na ako nang makita ko na siyang papalapit sa akin. Ganoon pa rin, ang ganda niya sa paningin ko sa corporate uniform niya, habang may dala-dala siyang libro at nakasuot pa rin sa kanya ang mask.

Kanina, nasabi niya na rin sa akin 'yong tungkol sa billboard niya. Sabi niya sa akin na matagal na raw 'yon, at oo nga pala, naalala ko na may nasabi siya sa aking ganoon. Pero aminado siya na 'di niya aakalaing sa billboard ilalagay 'yon.

MagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon