Primo
"Lolo?" Pagkatok ko sa pinto pero walang sumagot kaya unti-unti ko na lang binuksan. Bukas naman. "Lolo?" Pagtawag ko ulit.
Saan naman si Lolo? Nasa kwarto niya siguro, 'no? Baka tulog..
"Lolo?" Tawag din ng kasama ko kaya napatingin ako sa kanya.
Kamuntikan ko nang makalimutan na may kasama ako! Napangiti ulit ako dahil 'di ako makapaniwalang kasama ko siya ngayon. Si George! Sino pa ba?
Napatingin din siya sa'kin at ngumiti siya. Halos makalimutan ko na dapat ay hinahanap ko ngayon ang Lolo ko dahil sa lecheng ngiti na 'yan oh! Mamaya na ang harutan, mahal ko.
Pero ayun nga, akala ko, malulungkot na ako. Pero pagkasabi niya nang gusto niyang sumama sa'kin, hindi ako nagdalawang-isip na pumayag. Dahil unang pumasok sa isipan ko, wala siyang masyadong klase kaya pwede. At pangalawa, gusto niya eh. At may pangatlo pa, out of town ang tatay niya. Orayt.
At nagpaalam siya kay Tita Fran, akala ko nga, 'di siya papayag pero nag-isip siya at um-oo. Kaya agad ko nang sinamahan si George na mag-ayos ng mga gamit niya na good for 5 days. At bukod sa akala mo kung lalayas siya na mga dala niya, mga paalala ni Tita ang binaon namin.
Pero alam niyo, ang saya ko lang ulit kasi ramdam na ramdam ko 'yong acceptance at buong tiwala sa'kin ng nanay niya. 'Yung iniingatan ko at tinatrabaho ko na hindi kailanman nakita ng tatay niya.
Driver niya ang naghatid sa'min dito sa Tagaytay, sinabi rin naman ni Tita Francheska. Para rin daw alam niya kung nasaan kami at 'di siya mag-alala. Nako, wala namang dapat ipag-alala si Tita, okay na okay ang anak niya sa'kin. Ako pa ba?
Patay kang sinungaling ka, Primo. Talaga lang ha? Haha!
Pero bago pa kami umalis patungong Tagaytay ay nakiusap din ako kay Tita Fran na dadaan muna kami sa apartment na tinitirahan ko para kunin naman ang mga gamit ko.
Ang saya-saya ni George. Ang saya-saya ko rin. Hindi pa alam ng tatlong tukmol 'yong tungkol dito sa pagsama niya, si Chloe pa lang. Bahala na siyang ipagkalat 'yon dahil busy ako ngayon. Busy kay Lolo at busy sa asawa ko.
"Baka nagpapahinga si Lolo." Bulong ko sa babaeng hawak ko.
Alas 4 na ng hapon. Tahimik ang paligid, maayos naman ang bahay, malinis pa nga eh. Pero 'yong fact na nalaman ko kanina kay Tita Lily na iniwan siya ng personal nurse ni Lolo, langya, parang gusto kong sapakin ang hayop na 'yon.
Kung nursing student lang sana ako eh, edi ako na sana mag-aalalaga kay Lolo. Pero wala eh, bolakbol ako. LOL.
"Tara, puntahan natin kwarto niya sa itaas."
Akmang hahakbang na kami ni George sa hagdan nang bumukas ang pinto sa isang kwarto na mayroon dito sa ibaba. Napatigil kami at napatingin at ito na si Lolo, mukhang bagong gising nga.
Nagpakita kami ni George at hindi man lang siya nagulat na nandito kami. Pero nakangiti naman siya pero tipid lang.
"Lolo!" Masiglang bati ko sa kanya at lumapit ako para magmano sa kanya.
Nakasunod din naman sa'kin si George, nagmano rin siya at bumati. "Good afternoon po, Lolo." Bati niya at napatingin si Lolo sa kanya.
Hindi, hindi pala.. Napatitig pa kung tutuusin. Parang 'di ko alam kung inaalala niya kung sino si George o may mali sa mukha ng girlfriend ko. Napatingin ako kay George na napatingin sa'kin at parang nagtatanong kung bakit.
"Ah, Lolo, si George po, siya po 'yong girlfriend ko. Nakalimutan niyo na po?" Sabi ko at napatingin sa'kin si Lolo Lennon.
"Syempre, hindi. Ginagawa mo akong ulyanin." Sagot niya at gusto kong tumawa nang malakas pero huwag na lang. "Bakit kayo nandito? Napadalaw kayo.."
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomancePara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...