Primo
"Good morning po, Tita.." Bati ko nang makita ko siya rito sa gawing hapag-kainan nila.
Napatigil siya sa pag-aayos ng mga kutsara at medyo gulat pa nang makita ako. Pero 'yong gulat na natutuwa dahil nandito ako.
"Primo, nandito ka pala.." Sabi niya at lumapit sa'kin para bumeso. "Sakto, hindi pa kami nagbe-breakfast, kakain ka rito, hmm?"
Medyo natawa lang ako at napakamot sa batok. Pagkain pa ba? Tatanggihan ko ba 'yon? Eh, kaya nga ako nandito ay para maki-almusal sa kanila.. De, loko lang.
Nandito nga ako ngayon sa bahay nina George, para ako na mismo ang maghatid sa kanya sa school niya. At ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng lakas ng loob para tumapak dito sa bahay nila dahil wala rito ngayon si Senator, out of town na naman at very busy talaga. Ayos naman!
Pero ayun nga, saan ba si George? Tulog pa ba? Pati si Yohan? Ano na bang oras? 7:25 ng umaga.
"Hijo, tawagin mo na lang si Georgina sa kwarto niya. Para kapag nakita ka niya, 'di magtagal diyan sa pag-aayos niya sa sarili niya. You know her." Sabi ni Tita Fran at 'yong tawa ko ay sumang-ayon.
Hindi ako tatanggi sa sinabi ni Tita. Eh, 'yong babaeng 'yon, matagal mag-ayos 'yon. Kaya laging late sa klase eh.
"Sige po." Sagot ko at nagtungo sa kwarto ng girlfriend ko.
Heto na naman tayo oh. Kaunti na lang talaga, isipin ko na lang na isa ito sa mga ginagamit ng mga teleserye at pelikula itong bahay nilang mansyon. Kung magnanakaw lang talaga ako eh, baka mayaman na ako ngayon.
Pero magnanakaw naman talaga ako eh, magnanakaw ng halik. At ito na nva, naalala ko na naman 'yong gabing hinalikan ko si George sa harap ng maraming tao. At at the same time, 'yong pagbabalik ng ex girlfriend ko.
Hindi ko lang talaga maiwasan isipin 'yong pagiging totoo ni Cassie kung bakit siya ngayon lumalapit sa'kin. Alam niyo 'yon? Gusto niya raw makipagbalikan sa'kin. At hindi ako tanga para gawin 'yon.
Oo, minahal ko siya. Oo, naging importante siya sa'kin. Pero noon na 'yon eh, noon na 'yon. Iba na ngayon, at si George na 'yong ngayon at future ko.
Pero hindi ko na kailangan pang isipin 'yon, hindi ko na kailangan mag-alala pa roon. Ngayon, parang mas nakampante na ako dahil alam na ni George na nagbalik siya, na naging malapit na naman siya sa'kin. Tama nga rin si Gin at 'yong dalawa pa. Pero may kailangan pa akong trabahuin hangga't nakakasama ko si Cassandra sa bar, kailangan kong hindi gumawa ng mga bagay na 'di ikakaselos ni George. Ayaw kong maramdaman niya 'yon eh.
Nang makarating ako sa kwarto ni George, kumatok ako. Kumatok lang muna dahil ayaw kong malaman niya agad na ako 'tong nandito. Pero nakalimang katok ako, walang nagbubukas ng pinto niya.
"Tulog pa kaya 'to? O baka nasa banyo?" Bulong ko sa sarili ko.
Binuksan ko na lang ang pinto niya at pumasok, hindi naman naka-lock. Pumasok ako sa loob hanggang sa malapitan ko ang kama niya, mga damit lang niya ang nakalapag sa ibabaw. Nasa banyo nga, dahil rinig ko rin ang pag-agos ng shower at pagkanta niya.
Natawa ako at naupo na lang sa kama niya para hintayin siya. Patingin-tingin lang ako sa bawat sulok ng kwarto niya hanggang sa tumigil na 'yong pag-agos ng tubig. Mukhang tapos na ang Mahal ko.
Tumayo ako at agad na nagpunta sa gilid ng pinto para gulatin siya. At nang makalabas na siya..
"Bulaga."
"OH, MY GOD!" Sigaw niya sa gulat at napatingin sa'kin. Nanlaki ang ma mata niya pero napangiti siya nang makita ako. "Love!"
"Hi."
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomancePara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...