Primo
Alas 7 na ng umaga, at heto pa rin ako, gising na gising pa rin. Hindi na ako nakatulog dahil paano ba ako makakatulog kung hindi na ako nakatulog. Wala, simula nang sabihin ni George 'yong dahilan talaga ng pag-alis niya sa kanila, hindi ko magawang kalmado, hindi ko magawang isawalanga-bahala lang 'yon.
Tangina, umamin siyang muntik na siyang magalaw ng tarantadong Dave na 'yon kung hindi pa siya nakatakas. Gusto kong sugurin ang tarantadong lalaking 'yon at pagsusuntukin hanggang sa makuntento ako pero uunahan ko na ang sarili ko, hinding-hindi ko siya tatantanan. At isipin ko pa si Senator na hindi pinaniwalaan ang sarili niyang anak nang magsumbong siya.
Alam ko kung gaano kasakit kay George at tama ako sa inisip ko, na hindi magaan na rason 'yong pag-alis nang dahil lang sa pag-aaway nilang mag-ama, may mas malalim pang nangyari at ito 'yon. Nasaktan si George, nasaktan siya dahil hindi siya pinaniwalaan ng ama niya. Saan ka makakakita ng amang ganoon? Saan?
Habang kinukwento ni George sa akin lahat kagabi, ramdam ko 'yong sakit at 'yong takot niya dahil sa pag-iyak niya habang sinasabi sa akin ang lahat. Paulit-ulit niyang sinasabi na hindi siya pinaniwalaan ng tatay niya na muntik na siyang magalaw ng lalaking nirereto sa kanya. At ako naman, paulit-ulit na nagagalit dahil gusto kong bumawi para sa kanya.
Kumuyom ang kamao ko hanggang sa tumulo ang luha ko sa galit na nararamdaman ko pa simula kagabi. Dahil gustong-gusto ko siyang bawian pero inunahan niya na ako na huwag na, huwag na at baka ikapahamak ko pa. Pero wala na akong pakialam sa sarili ko, matagal na akong walang pakialam sa sarili ko.
Hindi ko maipapangako na magagawa kong maging kalmado, hindi na. At ngayon, nagkaroon ng dahilan para mas alagaan at protektahan ko si George.
Hinalikan ko ulit si George sa tuktok ng ulo niya at napabuntong-hininga na lamang ulit pagkatapos. Hanggang sa maisipan kong ilaan ang buong oras ko sa pagtitig sa kanya habang natutulog siya at 'di pa siya gising. Heto, nasabi ko na ba ngayon na maganda siya sa tuwing umaga? Dumagdag sa ganda niya 'yong pagtutok ng sinag ng araw sa balat niya, sa hubad na balikat niya, na nagiging ginto sa aking paningin.
Medyo naistorbo ko yata siya kaya gumalaw-galaw siya hanggang sa tumapat sa labi ko ang noo niya, sakto, kaya rito ko naman siya sunod na hinalikan, mababaw lang pero malalim ang pagmamahal.
Ano'ng oras na ba 'to natulog? Ewan ko, basta madaling araw na nun. Eh, umiyak pa nang umiyak at hinayaan ko lang siya. Hinayaan ko siyang ilabas 'yong sama ng loob niya, 'yong sakit, 'yong galit niya dahil alam kong kailangan niya 'yon. Pero sa tingin ko, mukhang kailangan ko rin 'yon eh, kasi punong-puno na talaga ako sa Dave na 'yon.
Ayun nga, hinintay ko siya hanggang sa tumahan siya at nakatulong 'yong tanging paghagod ko ng likod niya habang nagsasalita siya, 'yong pagyakap ko sa kanya, at 'yong pagpaparamdam ko sa kanya na nandito lang ako at mahal na mahal ko siya. Pagkatapos nun, kinukulit pa akong hayaan ko siya na gawin 'yong assignment niya pero nagpumilit ako na huwag niya nang problemahin 'yon. Eh, pagod siya eh. Alam niyo na 'yan.
"I love you, George.." Bulong ko sa kanya at hinalikan ulit siya.
Gumalaw-galaw ulit siya. Akala ko, babalik ulit sa pagtulog pero nagulat ako nang makita ko ngayon na nakabukas na ang mga nakakabighani niyang mga mata at nakatingala na sa akin.
"Good morning.." Bati niya sa akin nang may ngiti sa labi at napangiti na rin ako.
"Magandang umaga rin, binibini.." Sagot ko naman sa kanya at kinabig ko ulit siya para umunan ulit sa dibdib ko. "Tulog ka pa, aga pa, Mahal."
Sumunod naman siya pero mukhang 'di na matutulog ulit, dahil ang malikot niyang kamay ay nasa bandang tiyan ko na at naglalaro. Nakikiliti nga ako eh. Kaya hinawakan ko na lang at ini-steady ko lang.
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomancePara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...