Primo
"Ewan ko sa'yong seloso ka!" Singhal pa ni Gin sa akin at napapikit na lamang ako. "Pati lang 'yon, pinagselosan?!"
"Hindi nga kasi ako nagselos." Pagtanggol ko pa sa sarili ko kahit purong kasinungalingan ang sinagot ko sa kanya.
"Lokohin mo na lahat pero huwag ako, Primo." Sabi pa niya at natawa siya.
Nandito ako ngayon sa bahay nina Gin ngayon, wala, napadalaw lang. De, sinadya ko talaga siyang puntahan dito sa bahay nila kasi wala lang, gusto ko eh.
Ito na nga, pinag-uusapan namin 'yong lalaking naghatid sa girlfriend ko noong isang gabi. Sinabi ko sa kanya, malamang, at sa reaksyon niya na nakita ko, parang hindi man lang siya pabor sa akin. Una niyang sinabi sa akin, "oh, tapos?" Nakakairita, 'no?
"Alam mo, Primo, ewan ko sa'yo. Ba't ba pati 'yong naghatid sa girlfriend mo, pinagselosan mo pa? Ayan tuloy, mukha kang kawawang tuta riyan sa pagtatampuhan niyo ni George ngayon." Sabi pa niya at napakamot na lang ako sa batok ko.
Tampuhan, tampuhan na alam ko namang magbabati rin kami sa kahit anong oras na gusto namin. Wala, nakakairita lang kasi sa tuwing naaalala ko kung paano siya nginitigan ni George habang nagpapasalamat dahil sa paghatid ng kaklase niya sa kanya.
Oo, walang dapat ikaselos pero alam niyo 'yon? Parang naging walang kwenta ka sa lagay na 'yon. 'Yung para bang nandiyan ka naman pero hindi ka naman kailangan. Ano 'yon? Porke't ba umuulan at motorsiklo lang ang mayroon ako, bawal ko na siyang sunduin?
"'Di ka na lang maging masaya na hinatid 'yang girlfriend mo eh. Syempre, nag-aalala rin si George sa'yo dahil kagagaling mo lang ng sakit kaya ayaw niya na ikaw pa ang gumawa."
Hindi pa rin ako makumbinsi sa konsepto ni Gin na pareho kay George. Kesyo ayaw akong mahirapan, kesyo mabibinat ako, so what? Kasi wala akong pakialam sa pwedeng mangyari sa akin dahil siya ang importante rito eh.
Pero oo na, alam kong kasalanan ko naman 'to eh. Na naman. Pinangunahan ko siya, at ang masaklap pa, pinag-isipan ko na naman siya nang masama tungkol doon sa paghatid sa kanya ng kaklase niya. Wala eh, seloso nga ako, aminado na ako.
"'Di ko na alam, Gin."
Hindi ko na alam, nababaliw na siguro ako dahil idagdag mo na 'yong hindi kami nagpapansinan na dalawa matapos 'yon, noong iwan ko siya mag-isa habang kumakain kami. Kinabukasan nun, parang nagising na lang kami na naging pipi na dalawa dahil wala kaming imikan. Kung kakain kami, ayun, kakain lang, parang hindi kasama ang isa't isa. Tapos kapag magpupunta sa kwarto, may sari-sariling ginagawa.
Naalala ko kanina, hinatid ko siya gamit ang motor ko, hindi mahigpit 'yong pagkakapit niya sa akin habang nagmamaneho ako. Kung noon na yakap, ngayon naman, hawak lang. Hindi na rin siya humahalik sa akin bago siya magpaalam na papasok na siya hanggang sa sunduin ko siya, hanggang sa bago kami matulog, o sa gusto lang naming halikan ang isa't isa. Wala.
"Talagang 'di mo alam kung kailan titigil 'yang pagseselos mo. Tanga ka, pare, baka masakal na niyan si George sa'yo." Sabi pa ni Gin sa akin at napaisip ako.
Hindi naman siguro, hindi, alam ko. Never ko naman 'yon ipinaramdam sa kanya at hinding-hindi ko ipaparamdam sa kanya. Hanggang dito lang naman ang naaabot namin sa mga tampuhan at away namin, 'yong pagseselos na natural lang na maging hidwaan dahil pabebe ako eh.
"Alam mo, lagi mong sinasabi 'yan sa sa'kin sa tuwing nag-o-open ako sa'yo." Pag-ungkat ko kasi tandang-tanda ko pa kung kailan niya 'yan sinabi, noong nag-away din ulit kami ni George ata nun. Basta.
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomancePara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...