Primo
"Tangina, ang liit talaga ng mundo!" Pasigaw na sabi ni Bruce at naupo siya sa sofa pagkatapos, hanggang sa matahimik ulit kaming apat.
Nandito 'yong tatlo ngayon sa apartment ko. Ang aga nilang nagpunta rito. Hindi ko alam na seryoso 'yong plano nilang magpunta rito nang maaga para pag-usapan 'yong sinabi kahapon ni Jude sa dalawa na si George, may asawa na. Si George, kasal na. Si George, ayun, 'yong boss namin ang asawa niya..
Hindi ako nagsalita, at parang 'di ko na 'yon obligasyon dahil nandiyan na si Jude para magsabi sa dalawa. Noong una pa, akala ng dalawa ay nagbibiro si Jude, pero naniwala rin nang sinabi ni Gin na pinaamin niya si Chloe kung totoo ba at sinabing oo, totoo nga ang nakita namin.
"Tangina, ang pinaka-nakakagulat pa, kasal na pala si George. Ba't 'di natin alam 'yon?" Sabi ni Jude. "Hindi man lang tayo in-invite."
Tangina mo, Jude.
"Shet, may asawa na siya? Gaano na katagal?" Sabi pa ni Gin at ewan ko, gusto kong matawa ngayon dahil alin ba ang nakakagulat? Ano naman kung may asawa na si George? Ano naman iyon sa kanya? Siya nga, may asawa na rin eh..
Pero maski ako, hindi ko rin maisip. Kasal na siya, may asawa na siya.. Tama nga ang sabi ni Bruce na may sarili na siyang buhay, na nakapagsimula na ulit siya. Akala ko, itong pagbabalik niya lang ang ikakagulat ko ngayong nandito rin ako, pero lintek, dumagdag itong pagpasok ko sa trabaho na kung saan ay siya pala ang may-ari. Siya at ang asawa niya.
Tangina, ang liit talaga ng mundo. Naisip ko 'yan simula nang una kong makita ang asawa niya hanggang sa tyempo na siya pala 'yong tinutukoy ni Sir Diosdado sa akin. At ngayon na.. na asawa siya ni George. Ang liit ng mundo, bakit sa dinami-dami nang pwedeng maging may-ari ng hotel na pagtatrabahuan namin, siya pa? Bakit sa dinami-dami nang pwedeng maging asawa ng boss namin ngayon ni Jude, siya pa?
Dahil ngayon pa lang, paano ako makakapagtrabaho kung maisip ko na bawat hawak na gamit at pagtungtong ko sa lugar na iyon ay pagmamay-ari ng.. asawa ng ex ko?
"May asawa na siya. May asawa na pala siya.." Sabi pa ni Bruce.
Pala.. May asawa na pala siya. Ganyan rin ang unang katagang nasambit ko sa sarili ko dahil hndi ako makapaniwala pero pinilit ko ring maniwala. Dahil mas imposible kung wala..
"Pero nakakalungkot lang, bakit 'di man lang niya nabanggit sa atin? Sus, baka kasi arranged marriage!" Sabi ni Jude at napangisi sa huli.
"Baka kasi wala tayong karapatan, mga pre.."
Sa sinabi ni Gin ako sumasang-ayon.. Wala kaming karapatan. Wala akong karapatan. Wala kahit sinong tao ang may karapatan na malaman kung ano na ang estado niya sa buhay. Dahil buhay niya iyon, at gagawin niya kung ano ang gusto niyang gawin dahil buhay niya iyon.. At maski ako, ganoon din naman ang ginawa ko.
Sa totoo lang, 'di ko na dapat ito iniisip eh. Pero mali ako, huli na ako dahil simula nang umuwi ako rito sa apartment hanggang sa mag-gabi, iniisip ko 'yong nangyari kahapon. Hanggang ngayon.
Gusto kong sapakin ang sarili ko ngayon dahil, tangina, bakit ko pa ba siya iniisip? Parang nahahati sa dalawa ang sarili ko, nagtatalo, lumalaban ang isa na nagsasabing tumigil na ako at habang 'yong isa naman, sinasabing.. sinasabing maging mahina ako.
"Primo, kaya mo bang magtrabaho na siya at 'yong asawa niya ang may-ari?" Tanong sa akin ni Gin at napatingin ako sa kanya.
Napangisi ako. "Matagal na kaming tapos ni George.."
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomancePara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...