"Hijo, hindi pa ba gising ang asawa mo?"
Mula sa kawali ay napatingin ako sa nagsalita, kay Manang Gemma, at buhat-buhat niya si Georgia na mukhang gutom na. Naaaliw na naman ako na lapitan ang anak ko at panggigilan ang mga pisngi. At kapag makita ako ni George na ginagawa 'yon, patay, baka palayasin ako rito.
"Mukhang hindi pa po." Sagot ko.
Tulog pa ang Mommy, ayun, pagod. Pagod sa.. ewan ko, kung ba't tulugin ang asawa ko.
Asawa, that word, men. Dalawang buwan na kaming kasal ni George pero parang ang pakiramdam lagi ay kahapon lang kami nagpakasal. Sobrang bago pa rin sa pakiramdam, sobrang sarap pala sa pakiramdam, sobrang sarap na nabubuhay ka na ngayon na may asawa't mga anak. Alam niyo 'yon?
Tama nga sinabi ni Gin dati, masarap magkapamilya, 'yong para bang lahat nang ginagawa mo ay may dahilan kung bakit mo ginagawa. Hindi ka magsasawang gawin, hindi ka mapapagod. Tulad nito, gigising ako nang maaga, si George ang bubungad sa akin, pupuntahan ko naman ang mga bata, si Aurora, si Georgia, para i-check sila, iagluluto ko sila, pagsisilbihan. Sobrang sarap sa pakiramdam.
Two months ko pa lang sinimulan gawin pero lunod na lunod na ako. Nagsasama na kami ni George sa iisang bahay, pero rito sa bahay niya, dito sa bahay nila ni Sir Miguel kami nakatira. Nakakahiya bang isipin? Pero ito ang nakakagulat, sa akin ipinangalan ni Sir Miguel ang bahay niya bago siya mawala. Nagulat ako.
Sino ang 'di magugulat? Sa akin ba naman ipangalan ni Sir Miguel ang bahay niya? Sa last will and testament niya? Hindi niya naman ako kaano-ano, in fact, hindi naging maganda ang huling pagsasama namin.
Pero naalala ko 'yong huling pag-uusap namin, ibinilin niya sa akin ang mag-iina niya, at oo, nag-usap nga kami tungkol doon.
Hindi alam ni George, hindi pa rin niya alam hanggang ngayon na nag-usap kami ni Sir Miguel tungkol sa kanya at sa mga bata. Ayun 'yong panahon na nalaman ko na may sakit si Sir Miguel sa puso kaya bumisita ako kasama ang mga kaibigan ko sa ospital kung saan siya naroon. Araw na 'di ko naman inaasahan na magkakausap kaming dalawa ni Sir Miguel.
Hindi ko talaga inasahan, sino ba naman ang mag-iisip, 'di ba? Pati nga sina Gin, Bruce at Jude na kasama ko noong araw na iyon, gulat at nagtaka noong hilingin ni Sir Miguel na iwan muna kaming dalawa dahil mag-uusap kami. At 'yong pagkakataon na 'yon, inasahan ko na baka maganap 'yong nangyari sa party, na baka sigawan ako ni Sir Miguel, bulyawan, ipahiya, suntukin, wala, 'di nangyari.
Nag-usap kami, literal na nag-usap.. Mahinahon, kalmado siyang nagsalita at nakinig lang ako sa kanya. Ayun naman talaga ang kailangan kong gawin, ang makinig sa mga sasabihin niya.
Sinabi niya sa akin na.. na mahal ako ni George. Hindi siya galit, ibang-iba ang tono at awra niya kumpara noong gabing nagkasiraan kaming dalawa sa harap ng maraming tao. Mahal daw ako ni George. Noong sinabi niya iyon, tinawanan ko sa isip ko ang sinabi niyang iyon. Ako? Mahal ni George? Eh, iniwan nga ako para sa kanya eh.
Pero naiba nang sabihin niya.. Mali, nang ibilin pala niya. Nang ibilin niya sa akin na ako na ang bahala sa mag-iina niya, kay George, kay Aurora at sa batang nasa sinapupunan pa ni George. Noong una, hindi ako pumayag kasi ang una kong inisip, isa na namang gulo, isang gulo na naman ang ibibigay ko sa pangalan ni George at sa mga anak niya. At sa kanya na rin na unfair kong gagawin ko 'yon eh.. Pero sa totoo lang, ayun din ang gagawin ko sa ilang taon na magbabalik ako.
Binalak kong lumayo, sinadya ko dahil talagang lalayo naman talaga ako pagkatapos nun. Pero nag-iba nga lang, kasi 'yong mga taon na plano kong paglayo ay naging isang taon nang sabihin sa akin ni Sir Miguel na isang taon lang ang ibigay ko sa kanya para siya ang isipin ni George bago ako bumalik. Isang taon lang at pagkatapos ay bumalik na agad ako para kay George at para sa mga bata.
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomancePara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...