"Happy birthday to you.. Happy birthday to you.. Happy birthday.." Pagkanta ng lahat ng taong nandito ngayon.
Nakangiti lang ako at sa sobrang saya nang nararamdaman ko, napapatawa rin.
"At dahil 'di pa marunong mag-blow ng candle si Gia, si Aurora ang magbo-blow." Sabi ni Bruce at mas natawa ako.
Sumunod naman ang anak ko, siya ang nag-blow ng candle para sa kapatid niya. Of course, she loves her little sister, she's a lovable Ate.
Today is Georgia's first birthday and it is a very special day. Nandito lahat ng mga taong importante sa akin, si Mommy, si Yohan, at mga kaibigan ko. Si Daddy naman, wala siya, out of town siya e.
Nandito rin ang ilang classmates ni Aurora together with their Moms, pinag-aaral ko na kasi siya sa isang nursery school. At mga ilang batchmates ko rin from where I studied, some friends din bukod kay Chloe, Eugene, Bruce, Jude and Cassie. And mayroon pa pala, mga Amigas ni Mommy, isama mo na rin 'yong girlfriend ng kapatid kong si Yohan.
The celebration is just simple. Simple lang dahil dito lang sa bahay ang venue, dito sa bakuran na mayroon ang bahay. Ako ang nag-decide, mas okay, mas maganda. Dahil hindi naman importante ang sobrang bongga, what important is this, kasama ko 'yong mga taong totoong kilala ko, mga malalapit at nagmamahal sa akin, at 'di ako iniwan. And I am contended.
Isang taon at mahigit na nang mawala si Miggy, not enough para maka-move on but now, I feel relieved. Alam kong masaya siya ngayong nakikita niya kaming masaya at maayos na Ang kalagayan niya.
Hind naging madali ang lahat nang napagdaanan ko sa isang taon at mahigit na 'yan. Dahil nahihirapan din ako para kay Aurora na 'di matanggap ang nangyari sa Daddy niya, at sa second baby ko na nag-one year old nang walang Daddy. At nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na halos araw-araw akong binibisita noong pinagbubuntis ko si Gia. And now, one year old na siya.
My Georgia is so beautiful like Aurora. Syempre, kanino pa ba magmamana? And I love her so much, silang dalawa ng Ate Aurora niya. At kahit mag-isa ako ngayon, mamahalin ko silang dalawa. Ibibigay ko 'yong buong pagmamahal ko para sa kanilang dalawa. Palalakihin ko sila nang tama at mabuti.
No, wait, hindi pala ako nag-iisa. Marami kaming nagmamahal para sa kanilang dalawa. Nandiyan ang mga Titos ni Aurora at Ninongs ni Georgia na lagi silang patatawanin. Si Jude, Bruce and Eugene.
Nang matapos kantahan si Georgia ay sinabihan na sila ni Mommy na kumain na. Nanatili lang akong nakatayo at inaaliw ang sarili ko sa batang buhat-buhat ko.
"George, akin na muna si Baby Georgia, kain ka muna." Sabi sa akin ni Chloe at umiling ako.
"No, I'm okay. Ikaw na lang ang kumain diyan, Chloe. Susunod na lang ako." Sabi ko naman sa kanya.
Nakasunod naman ang tingin ko kay Aurora na tuwang-tuwang nakikipaglaro sa mga kapwa niya bata. Napansin ko rin si Hiro, 'yong anak ni Eugene at Chloe, mukhang close na ang dalawa. Mabuti naman, natawa ako sa naisip ko. Kasi one time, hindi, most of the time pala, kapag magkasama ang dalawa, laging nagbabangayan. Hay, kids.
Lumapit naman sa akin si Yohan. Ngumuso ako, may girlfriend na pala siya, matagal na, hindi sinasabi sa akin. Nakilala niya raw sa New York, noon pa noong doon pa kami nakatira. Pilipino ang babae. Hay, ang laki na rin niya eh. Baka mamaya, ikasal na rin ito.
"Ate, nagtatampo ka pa rin ba?" Tanong niya sa akin at yumakap sa akin saglit.
"Hmp." Kunwaring tampo ko. "Sabihin mo na sa'min ni Mommy, engaged na kayo, 'no?"
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomancePara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...