21 - The Fault

665 16 2
                                    

Primo

"Ay, sorry.." Sabi ko nang buksan ko ang pinto at bumungad sa akin si George na nagbibihis, tanging mga underwear lang ang suot, may tuwalya pang nakapulipot sa ulo niya.

Akmang isasarado ko na sana ulit at lalabas nang magsalita siya.

"No, it's okay. Come in." Sabi naman niya at ngumiti siya.

Ngumiti lang din ako at umiwas ng tingin. Hindi kasi ako sanay kumatok sa sariling kwarto ko, parang 'di pa rin ako makapaniwala na may kasama ako eh. Kung siya, parang walang malisya sa kanya na nakikita ko siya ngayong halos hubad, madalas ay ganoon na nga, pwes sa akin ay naiilang pa rin ako. Ako pa talaga 'tong naiilang eh. Haha!

De, basta 'yon. Wala, parang kailangan ko na ring masanay. Girlfriend ko siya, at natutuwa na lang ako dahil sa tiwala niya sa akin. Hindi naman ako magiging abusado pagdating sa pagbibigay ng tiwala niya sa akin.

Ilang linggo na ba? Halos dalawang linggo na rin na kasama ko siya rito. Ito, para talaga kaming namumuhay na parang mag-asawa talaga, dito sa iisang bubong. Siya, nag-aaral, at ako naman, nagtatrabaho. Hindi man kumakain nang sabay kapag tanghalian pero kapag gabi naman ay nagkikita kami at sa pagtulog namin ay sinisigurado naming magkayakap kami hanggang mag-umaga.

Hindi ko na siya sinasama sa mga gig namin ng barkada ko, hindi na. Kasi napapagod na nga siya sa pag-aaral niya eh, alangan naman na payagan ko pa sa tuwing nagpupumilit siya. Kaya kapag umaalis na ako ng hapon para sa gig namin, naiiwan siya rito sa bahay. Nakakatawa nga dahil mas pinipili kong sunduin siya mula sa school kaysa sa magpunta na sa condo ni Bruce dahil sa rehearsal namin.

Ganoon 'yong cycle na nangyayari simula nang magpunta rito si George sa akin. Nakakatuwa, ang sarap sa pakiramdam, kasi sa totoo lang, marami pa akong bagay na nalalaman tungkol sa kanya. Basta, marami.

"Kumusta?" Tanong niya at saka ko napansin na napatagal na pala 'yong pagtitig ko sa kanya.

"Hmm, okay lang.." Sagot ko.

May raket kasi ako ngayong umaga, birthday party. Alam niyo na, catering service na naman at isa akong waiter. Alas 2 na rin ng hapon. Wala siyang pasok ngayon dahil araw ng Sabado.

Dumako ang tingin ko sa hamper namin at napa-hay nako na naman ako dahil wala nang karga, ayun, halatang nilaba na naman ng makulit na 'to.

"Naglaba ka na naman ba, Mahal?" Tanong ko at napatigil siya sa pagsusuot ng shorts niya.

"Oo, kaunti lang naman.." Malambing na sagot niya para 'di ko mapagalitan.

Kung may isang bagay talaga na napagdidiskusyunan namin ay ito 'yon, 'tong pagpipilit niya na siya ang gumawa ng mga bagay na 'to, mga gawaing bahay. Eh, sabi ko nang ako na pero lagi niya akong nauunahan.

Lumapit siya sa akin dito sa kama na kinauupuhan ko, niyakap niya ako para syempre, hindi ko pagsabihan. Pero paano ko na nga ba siya pagsasabihan? Wala na, nanlalambing na eh.

"You look tired." Sabi niya at hinalikan ko siya sa noo niya.

"Medyo nga, Mahal.." Pag-amin ko.

Pagod nga ako eh, oo na. Medyo marami rin kasi akong ginawa kanina sa catering, nag-rush kami eh, 'yong akala naming oras ay napaaga ng isang oras kaya aligaga kaming lahat. Si Jude ang kasama ko, as usual.

"You should rest, Love.." Sabi niya kaya pinahiga niya ako at 'di naman ako nagpapigil. Napatawa pa ako nang kumutan niya niya ako pagkatapos niyang ayusin ang unan na nasa ulo ko.

"Maalaga naman ang asawa ko." Sabi ko at natawa rin siya, pabiro niya akong pinalo sa braso ko.

"Asawa ka riyan.."

MagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon