41 - Attached

604 23 3
                                    

Primo

"Cassie.." Sambit ko sa pangalan niya.. Napalunok ako dahil siya pala ito.. Siya pala.

Umiiyak siya ngayon, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na rin tinanong. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa lapitan niya ulit ako at halikan pero wala pang tatlong segundo ay bumitaw ako, at lumayo sa kanya.

"Cassie, sorry.."

"Siya pa rin talaga, 'no?" Tanong niya sa akin at napaiwas lang ako ng tingin.

Wala akong balak itanong sa kanya kung paano siya nakapasok dito sa apartment ko, at kung bakit siya nandito ngayon at kung ano ang kailangan niya. Dahil ang sentro ngayon ng utak ko, bakit ko inakalang.. inakalang siya si George?

Hindi ko alam kung dala na rin ba ng alak kung bakit ko siya napagkamalang si George. Na kaya ko siya hinalikan ay akala ko, siya si George. Akala ko, si George. Tangina! Tangina mo, Primo!

"Cassie, sorry.." Sabi ko ulit sa kanya at binitawan ko ang magkabilang balikat niya.

"Ngayon na alam mo nang hindi ako si George, bilang Cassie, please, mahalin mo ako, Primo." Sabi niya at lumapit ulit siya pero nakaiwas ako agad sa kanya.

Tsaka ko napansin ang suot niya na tanging manipis na sando at shorts ang suot niya. Na akmang huhubarin niya na sa harapan ko nang pigilan ko siya. Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay niya para pigilan siya sa pinaplano niyang gawin ngayon.

"Cassie.. Cassie, umuwi ka na." Mahinahon na sabi ko sa kanya at umiling-iling lang siya, tumawa pa siya pero lumuluha pa rin siya.

"Alam kong gusto mo ito, kaya ibibigay ko sa'yo. Para lang sa'yo, Primo."

"Cassie, utang na loob.. Umalis na ka na, ayusin mo ang sarili mo." Sabi ko dahil mukha siyang nakainom, nalasahan ko na rin ang labi niya na may lasang alak.

"Ano pa ba ang kulang sa akin?! Ano?! Sabihin mo, at gagawin ko para sa'yo!"

Nagsimula na siyang sumigaw at wala akong balak sigawan din siya ngayon.

"Bakit.. Bakit?" Natawa siya. "Kasi hanggang ngayon, mahal mo pa rin ang ex mo. Hanggang ngayon, nasa kanya pa rin ang mundo mo. Paano naman ako na naghihintay sa'yo? Paano naman ako na laging nandito para sa'yo?"

Hindi ko masisi si Cassie sa lahat ng sinasabi niya sa akin dahil tama siya, totoo ang lahat ng sinabi niya. Mahal ko pa rin si George, at oo, nasa kanya pa rin ang buong puso at mundo ko. Na kay George pa rin, at hindi ko maisip na maibabaling ko sa iba itong pagtingin ko kay George. Hindi ko alam.

"Cassie, 'di ba, napag-usapan na natin ito.. Mahal kita, pero bilang kaibigan. Ayun na lang ang maibibigay ko sa'yo." Sabi ko sa kanya at mas umiyak siya.

Nasasaktan ako ngayon na nakikita siyang umiiyak. Pero paano ba kung dahil sa akin? Nang dahil sa akin, kaya siya nasasaktan?

Hindi ko akalain na alam ko sa sarili kong wala akong ginagawa pero may nasasaktan pala ako, at si Cassie iyon. Alam ko na hanggang ngayon, umaasa pa rin siyang magkakabalikan kaming dalawa. Pero noon ko pa sinabi sa kanya eh, at ngayon, ibinabalik niya ulit. Ipinagpipilitan niya at ayaw ko, ayaw ko dahil alam kong mas masasaktan lang siya kung um-oo ako sa gusto niya. Dahil, tangina, si George ang mahal ko. At hindi ko kayang gamitin siya para pagtakpan itong nararamdaman ko para kay George.

Si George pa rin..

"Primo, hindi ka ba naaawa sa sarili mo?" Tanong sa akin ni Cassie at tumingin ako sa kanya. "Kasi ako, naaawa na ako sa'yo.. Sana makita mo 'yang sarili mo. Sarili mong hanggang ngayon, umaasa na babalikan ka pa niya. Shet, Primo, may asawa at anak na siya. Kasal na siya, may pamilya na siya. Sa tingin mo, ipagpapalit niya iyon para lang sa'yo?"

MagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon