13 - Back To Reality

679 14 1
                                    

Georgina

"Grabe, nase-sepanx na ako." Hindi ko mapigilang sabihin at ngumuso pa ako.

Nakita kong napatigil si Primo sa pag-aayos ng mga gamit namin dito sa bed at natawa siya.

"Pwede naman tayong pumasyal dito kahit kailan, sabi rin ni Lolo 'yon." Sabi naman niya sa'kin.

Not convincing, pwede pero ang tanong, ganito ba katagal? Dahil sigurado ako, hindi na mangyayari, lalo na't sermon ang sasalubong sa'kin sa bahay. 'Di naman ako natatakot, hindi rin kinakabahan, wala lang.

At ang sinasabi kong sepanx, 'di naman 'yong pagpunta namin dito.. Si Primo, 'yong makasama siya nang matagal. Hay, pagdating namin sa Manila, back to normal na naman. Siya, work. Ako naman, study, study and study.

Ngayon na kasi ang uwi namin pabalik sa Manila, sixth day of staying here pero ngayon na rin ang alis namin. Dumating na kasi 'yong panibagong nurse at isang kasama pa ni Lolo Lennon dito sa bahay niya kaya sabi ng Tita ni Primo, pwede na siyang umuwi.

Nandiyan na sa labas ang driver ko na pinapunta ni Mommy para sunduin kami, hindi alam ni Daddy, hindi sinabi ni Mommy sa kanya.

'Yung mga pinsan naman ni Primo, may sasakyan naman sila kaya 'di namin sila kasabay. Nauna na nga silang umalis eh.

Lumapit si Primo sa'kin at inakbayan. "Huwag kang mag-alala, babalik naman tayo rito eh. Kailan mo ba gusto?"

"Eh, nakakahiya naman kay Lolo.. At sa mga Tita mo."

"Sus, wala 'yon.. Okay lang, mas gusto pa nga nila na maraming kasama si Lolo rito eh." Sagot niya at hinalikan ako sa noo. "Sa bakasyon mo? Game?"

"Hmm, we'll see." Sabi ko naman.

Hindi ko naman maipapangako na sa vacation ko kami makakabalik dito. Like paano kung may naka-planned palang may mangyari? Like may pupuntahan ako or busy or what. Hay, basta. We'll see.

Tinulungan ko na siya na mag-ayos ng mga gamit namin. It's already 4 PM na rin. Pagkatapos, lumabas na kami, and we are totally leaving this house. Hawak-kamay kaming bumaba ni Primo habang dala-dala niya mga bags namin, ayaw akong pagbitbitin eh.

"Mga apo, salamat sa inyo." Sabi ni Lolo sa amin nang nakangiti.

Kaming tatlo lang ang nandito sa ibaba, nasa labas na rin 'yong mga pinsan ni Primo, makikisabay ng alis sa amin. Lumapit si Lolo sa amin, no, kay Primo pala. May inabot siya kay Primo, an envelope. Hindi naman ganoon kalaki na mga papers ang mailalagay.

Napatingin ako kay Primo at nagtataka lang siya sa inabot ni Lolo sa kanya. Tinignan niya ito at nanlaki ang mga mata niya.

"Lolo, ano po 'to?" Tanong niya kay Lolo. Ano ba 'yon?

"Bigay ko sa'yo, apo.."

"Lolo, 'di naman po ako nagpapabayad eh." Sabi pa ni Primo. Mukhang pera ang laman ng envelope.

Binalik ni Primo 'yong binigay sa kanya ni Lolo pero binalik din ni Lolo sa kanya. "Tanggapin mo 'yan, 'di 'yan bayad, bigay ko nga sa'yo."

"'Lo, 'di ko po matatanggap.. Okay naman po ako ah. 'Di po ako nangangailangan--"

"Sige na, kunin mo na. Para sa'yo talaga 'yan.." Pagpilit pa ni Lolo.

"'Lo, ang laki.." Bulong ni Primo.

How can't I love this man kung ganito ang ugali niya? Tumutulong nang walang kapalit. Nag-aalaga nang walang kapalit. At nagmamahal nang walang kapalit. At para pa siyang nahihiya. Bulag ang Daddy ko para 'di ito makita kay Primo.

MagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon