Primo
Galit siya sa akin. Galit siya. Tangina, Primo, ngayon mo lang talaga na-realize? Buong buhay mo, ngayon lang talaga?
Pero hindi, hindi dahil iba ngayon. Iba dahil.. dahil sa sinabi niya sa akin noong nakaraang gabi.
Na ako, ako ang dahilan kung bakit siya nagka-ganoon, kung bakit siya nagkaka-ganito. Na gustuhin ko mang alamin sa kanya ang rason kung bakit ako, ano ang nagawa ko? Pero tanga na lang ako kung gagawin ko 'yon, dahil hindi naman ako manhid at tanga para hindi malaman kung ano 'yong sinasabi niya.
Ayun na nga eh, umamin na siya. Na dahil sa akin kaya ganito siya. Ganito ang pakikitungo niya, ganito ang ugali niya sa akin, sa ibang tao. Pero sana naman, sa akin lang. 'Di ba? Sana ako lang, sa akin niya ibunton 'yong galit niya. Pero hindi eh, dinadamay niya ang ibang mga inosenteng tao. Pinipersonal niya nang dahil sa akin..
At isa lang ang ibig sabihin nun, na hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-move on sa past naming dalawa. Parang pareho pa rin kaming nakagapos doon.. At hindi ko alam ang gagawin ko.
"Hoy, Primo. Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala, dude. Lungkot mo."
Napatingin ako kay Jude pero hindi ko siya sinagot, napangisi siya hanggang sa magsalita ulit siya.
"Ah, alam ko na, hindi mo nakikita crush mo ngayon kaya malungkot ka. Ganoon?"
Nagpatuloy na lang ako sa pagluluto pero hindi pa rin ako tinantanan ni Jude.
"Pero naisip ko nga, bakit kaya hindi pumasok si George, 'no? Simula kahapon pa, hindi kaya, sinundan niya na si Sir Miguel sa Vietnam?"
Simula nga noong nangyaring gulo, hindi naman actually na gulo, basta 'yon. Simula nun, hindi ko na siya nakita. Hindi na nga siya nagpunta rito sa restaurant na ito. Ewan ko, para akong nagi-guilty ngayon, kasi umiiyak siya nun. Umiiyak siya noong nagkaroon kami ng kaunting bangayan. At inaamin ko, nanghina ako nang makita ko siyang umiiyak.
Guilty nga ako, kasi ako 'yong rason kung bakit siya umiiyak. Gusto ko sana siyang sundan nun eh, kaso umalis na siya agad.
"Siguro nami-miss na ni Sir Miguel si George, kaya pinasunod niya na roon sa Vietnam." Sabi pa ni Jude at alam kong inaasar niya lang ako. At oo, naaasar ako. Napipikon ako sa sinasabi niya kasi may possibility na baka nga.
"Pakialam ko?" Sabi ko sa kanya kahit may pakialam naman talaga ako.
Tinignan ko siya sa mga mata niya at para niyang tinitignan niya kung apektado ba ako o hindi.
"Sus!"
Hindi na ako sumagot dahil sa totoo lang, wala ako sa mood ngayon. Wala ako sa mood dahil.. dahil galit sa akin si George. Kailan ba hindi nagalit sa'yo 'yon, Primo? Close ba kayo nun?
Napabuntong-hininga na lamang ako at napailing-iling. Apektado talaga ako.
Pagsapit ng hapon, nagulat ako nang makita ko si Aurora rito sa kitchen. Ito, naglilibot-libot na naman. Napangiti ako, at isa lang ang ibig sabihin nito, nandito rin si George.
"Hi, Aurora." Nakangiting bati ko sa bata.
"Hello! How are you?"
"Ito, crush pa rin ang nanay mo."
Gusto ko sanang isagot 'yan pero tangina, hindi ko naman masasabi 'yan. Wala eh, nahawa na rin ako sa kadaldalan at kung ano-anong naiisip ni Jude.
"I'm good." Sagot ko habang nagsusuot ulit ng apron.
BINABASA MO ANG
Magbalik
Roman d'amourPara kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano ku...