Chapter 1

2.6K 103 6
                                    



















"Amaya! gumising ka na. Mahuhuli ka sa klase mo!"

Tawag ng nanay ko sa labas ng aking kwarto. Kaagad din naman akong tumayo kahit na nakapikit pa ang mga mata ko.

Mabilis akong naligo hanggang sa pagsuot ng ang aking uniform. Paglabas ko tahimik lamang akong nagtungo sa kusina saka naupo sa hapag kainan.

"Ay Diyos ko! ano ka ba namang bata ka andito ka na pala di ka man lang nagsasalita!"

Gulat na sabi ni Mama habang nakahawak sa dibdib niya na ikinahagikhik ko.

Palagi kasi itong nangyayari sa kanya at hindi lang din naman sa kanya pati na sa iba. Talent ko ata yun eh. Yung di nila kaagad mapapansin na nasa paligid pala ako. Parang yung halaga mo na di niya makita. Ouch.

"Nakuha mo pang tumawa dyan."

Naiiling na sabi ni Mama saka siya naupo sa tabi ko.

Sabay kaming dalawa kumain at nang matapos nagpaalam na ako sa kanya.

Walking distance lang naman ang eskwelahan ko. Ako nga pala ay nasa ika apat na baitang na sa High school.

Dahan dahan ako sa paglalakad nang matanaw ko si Krisha sa unahan ko na kakalabas pa lang ng bahay nila kaya naman naglakad ako ng mas mabilis upang mahabol siya.

Nang nasa likuran niya na ako ay sinundot ko ang tagiliran niya.

"AY BUTIKI!!!'

Sigaw niya saka ako pinagpapalo.

"Walangya ka talaga!!! walangya ka!! bwesit ka!"

Gaya ng nakasanayan tumatawa lang ako ng marahan.

"Ikaw talaga. Ang weird mo talaga! bigla bigla ka na lang sumusulpot."

Sabi niya tsaka ako hinila.

"Ang bagal mo lang talagang maglakad tapos halos dumikit pa mukha mo dyan sa cellphone mo."

Sabi ko naman.

Ilang minuto lang at nakarating na kami ng eskwelahan at saktong mag pa flag ceremony pa lang kaya naman hinila niya ako papunta sa pila namin.

Ilang minuto rin ang lumipas at nagsimula na nga ang ceremony. Nakapatong ang kanan kong palad sa kaliwang bahagi ng aking dibdib. Nasa harapan man nakadako ang tingin pero kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko ang estudyanteng nasa gilid. Katulad namin kumakanta rin siya ngunit mas luma ang uniporme niya na kusot kusot pa. Ang buhok niya ay mahaba at itim na itim kasing kulay ng mga mata niya. Ang mukha niya maputla habang may nakalaylay na isang parte ng pisngi niya.

Hindi ko alam kung bakit at kung paano siya namatay. Pero isa lang ang alam ko. Hindi pa siya makaalis. Palagi ko siyang nakikita kung saan saang parte ng eskwelahan at kapag nakikita ko siya nagpapanggap na lang ako na wala akong nakikita.

Natapos ang pag-awit at kagaya ng palagian niyang ginagawa matapos ang pag awit ng pambansang awitin. Tatayo siya malapit sa flag pole at doon bibigkasin ang panatang makabayan.

Kung iba ang makakakita sa kanya sigurado ako mapapaiyak na sa takot. Pero dahil iba ako, awa ang nararamdaman ko sa kanya dahil kahit na mahirap ang mabuhay masuwerte tayo't nararanasan natin ang kagandahan ng buhay.

Gusto ko sana siyang tulungan pero siguro hindi pa ngayon ang tamang panahon. Ilang linggo lang naman na ang daraan at magtatapos na kami.

Nang matapos ang flag ceremony tulad namin naglakad na rin siya paalis pero siya hindi para pumasok sa silid niya kundi magliwaliw sa palibot ng eskwelahan. Ganun lang ang gawain niya araw araw. Sa tingin ko mabuti siya dahil ni isang beses di ko pa siya nakitang manakit. Sa tingin ko hindi lang talaga siya makaalis.

Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon