Chapter 8 : Bored ako

658 18 0
                                    

Skyla's POV 

Andito ako ngayon sa office namin.

Binabasa yung mga forms ng limang yun.


Well, kahit papano, matatalino rin sila. 88 lang ang percentage pero mapagttyagaan na rin.



Chester Lopez, Zyler Fernandez, Ethan Lorenz Cruz, Bryce Ocampo and Blake Salvador.







"HOY SKY! WHAT THE HELL WAS THAT?!" boses yun ni Carleigh. Biglang pumasok ang apat at parang inis na inis saakin. Except kay Daria na walang pakialam sa mundo. 

"ANO YUN HA?! ANO YUNG SINABI MO NA MAKIKISABAY YUNG MGA MAHAHANGIN NA YUN SA ATIN?!" sabi Celine. 

"SAN NA YUNG SKY NA KILALA NAMIN HA?! SAAN MO DINALA?!" sabi ni Rica.

"DI IKAW ANG SKY NA KILALA NAMIN!" sabay sabay pa silang tatlo. Tss.

"What's the problem?" sabi ko.

"At talagang tinatanong mo pa?! Bakit mo pinasabay yung limang yun sa atin ha?!" Sabi ni Carleigh.

"Sa lahat ng pwedeng magsabi nun, talagang hindi ikaw! Ano yun ha?!" sabi ni Rica.

"Asan na yung cold at walang pakialam na Sky ha?! Ilabas at ibalik mo, ngayon din!" sabi ni Celine.

"Bakit mo ba kasi sinabi yun?" sabi ni Daria. Umupo na sila sa mga upuan na nasa harap ng table ko.




"Bored ako." sabi ko.






"WHAT?! DAHIL LANG SA BORED KA NASABI MO YUN?!" sabay sabay nanaman sila -.- Si Daria tumango lang.

"Jusko ka Sky! Sina Du Jun nga, limang taon naghirap bago makalapit satin tapos ngayon yung mga ugok na yun na di manlang natin kilala pinapasabay mo satin?!" sabi ni Carleigh.

"ARE YOU OUT OF YOUR MIND?!" sabay sabay nanaman sila. -.-

"Why? What's wrong with that? Tsaka baka nakakalimutan niyo na iba ang buhay natin dito bilang mga estudyante at iba rin bilang mga gangsters." sabi ko. 

"Pero---" di na natuloy ni Rica dahil nagsalita na ako. Nakakapagod marinig ang pagtatantrums nila -.-

"Sinabi ko yun dahil bored ako. And I was entertained by your little scene a while ago at sa lahat ng studyante natin dito, sila lang ang nagtangkang lumapit satin. Ayaw niyo ba nun? Di na magiging boring ang buhay niyo?"

"Di naman boring yung buhay namin!" Carleigh.

"BUHAY MO ANG BORING!" sabay nanaman -.-

"Exactly." sabi ko. 

"So ngayon naging instant entertainers mo pa kami?!" sabi ni Celine.

Nagnod lang ako tsaka ngumiti.

And again, this is so not me.

Ngumingiti? -________- psh.

Nagulat silang lahat. May nasabi nanaman ba akong mali? -.-

"Ngu-ngumiti k-ka!" silang apat.

"Masama ba? =.=" sabi ko.

"OO! TALAGANG DI NA IKAW YAN! HOY SKYLA DEE SANTIAGO! UMAYOS KA! KUNG SINANIBAN KA MAN, SASAPUKIN KITA NANG LUMABAS ANG MABAIT NA ESPIRITU JAN SA KATAWAN MO!" Sabi ni Carleigh -.- 

"Porke ba ngumiti, mabait na?" sabi ko.

"I can't believe that this is happening!" sabi ni Rica.

Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon