Chapter 52: Anong nangyari?

367 4 0
                                    

Sky's POV

"Oh gising na siya"

"Buti at nagising pa siya"

Ano bang problema ng mga to? -.-

Napamulat ako at inilibot ang tingin sa paligid.

Bakit ako nasa hospital?

Bakit wala akong maalala?

"Omygad! Anong nangyari kay Sky?!" Sabi ni Rica

"Na-trauma ba siya?!" Sabi ni Celine

"Dali! Tawagin niyo ang doctor!" Sabi ni Daria

"Baka may amnesia siya!" Sabi ni Carleigh.

"Hoy Skyla! Ako 'to! Kapatid mo ako!" Lumapit sakin si Ji-yong at niyugyog ako.

"Si Sol to!"

"Si Seungri to!"

"Si Daesung to!"

"Bestfriend! Si Carleigh to! Please naman alalahanin mo ako!"

-_______-

Jusko lang. 

Di ko alam kung magpapasalamat ba ako na naalala ko pa rin sila o manghihinayang at di ko sila nakalimutan.

"Wag kayong OA. Naaalala ko pa rin kayo -______-" napagulat naman silang lahat tapos niyakap nila ako.

Naloko na 'tong mga to.

"Waaaa! Namiss ka namin Sky!" Sabi ni Carleigh.

"Bakit ba?" Sabi ko.

"Isang linggo ka kayang tulog at nakaconfine dito" sabi ni Celine

O_______O

"Ano?! Isang linggo?!" Sabi ko. Tumango naman silang lahat.

"Sabihin mo nga sakin, bakit nagpabugbog ka kay Chester?" seryoso na sabi ni Ji-yong.

Napatahimik naman silang lahat.

Yung parang hinihintay nila ang isasagot ko.

"Wala lang. Nabored ako." Sabi ko.

"Dahil lang sa nabored ka ha?" Sabi ni Daria.

"Di mo ba alam na sila na ngayon ang namumuno sa school natin?" Sabi ni Rica

Well I know. Obvious naman eh -_____-

"Nagpatalo ka Sky" sabi ni Ji-yong.

"Naging mahina ka" sabi ni Sol.

"Di naman sa lahat ng pagkakataon, malakas ako" sabi ko.

Mukha naman nagulat sina Carleigh sa sinabi ko.

Totoo naman eh. Di sa lahat ng pagkakataon, malakas ka. Kailangan mo ring maging mahina para sa kapakanan ng iba.

"Kailan pa?" Sabi ko.

Ang ibig kong sabihin, kailan pa nila pinamunuan ang school NAMIN.

"Simula nang matalo ka niya." sabi ni Daesung

"Matindi ang nararanasan ng mga estudyante ngayon dun. Lahat sila nababalot sa takot" sabi ni Top.

"At wala kayong ginawa?" Sabi ko.

"Problema niyo yan. Labas kami jan" sabi ni Seungri.

"Alam naman namin kaya niyo kaya lang.." Napatingin naman sakin si Sol.

"Mas inuna mo ang nararamdaman mo kaysa sa dapat mong gawin" sabi ni Ji-yong.

"Mauna na muna kami. Kayo na ang bahala jan kay Skyla" sabi ni Sol.

Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon