Chapter 71: Gettin' Drunk

262 3 0
                                    


Chester's POV

"Huy! Parang ang lalim ata ng iniisip mo?" Mejo bati na kasi kami nitong si Luna kaya ganyan sya maka-FC.

"Wala lang.." Tatlong araw na ang nakaraan nang makausap ko sina Jane at Carla.

At hanggang ngayon.. Nagtataka pa rin ako.

Paano nagkaroon ng kamukha si Sky?

Imposible namang..

"Sino bang iniisip mo? Baka makatulong ako?" Isa pa 'to eh. Simulan ng sigawan ko siya, naging mabait na siya sakin.

Siya pa nga ang gumawa ng paraan para magbati kami eh.

Ang weird niya -__________-

"Wala nga" ang kulit eh.

"Wala? So ano yang sinusulat mo jan sa papel na dapat pirmahan?" Napatingin ako agad sa papel at tama siya

-___________-

"Drawing ng isang mukha ng babae at may pangalang Megan Maxine Dee? Adik lang?" -__________-

"Urgh!" Agad kong binura yung naguhit at nasulat ko sa papel. Buti nalang at ballpen na pwedeng burahin ang ginamit ko kundi lagot ako. Mahalaga pa naman 'tong papel na 'to.

"Ano ba kasing bumabagabag sayo? You can share. You can trust me" nginitian naman niya ako. Yung ngiting..













Di dapat pagkatiwalaan -_________-

"Ayaw mo sabihin? Eh di huhulaan ko. Hmm. Siguro inlove ka sa Maxine na yan noh?" Kumuha siya ng kape at binigyan din ako.

"No. It's just that.. This girl..








Kamukha raw niya si Sky.." Halos mabuga naman niya yung iniinom niya.

"H-ha?! Kamukha ni Sky?" Tumango lang ako.

Oo. Sabihin na natin na di imposible na may kahawig ang isang tao. Pero iba naman ang hawig sa kamukhang kamukha talaga diba?

"G-ganun? Pero mukhang imposible eh. Malay mo kahawig lang. Kalokalike lang" umiling ako.

"Sabi ng source ko, kamukhang kamukha niya si Sky. Akala nga raw nila si Sky eh.. Pero sobrang layo raw ng ugali nito kay Sky.. Pero sobrang kamukha raw" uminom ako ng kape na ginawa ni Luna.

"Hmm. Kalimutan mo nalang. Kamukha lang naman yun eh. Hindi naman yun si Sky.." May point siya pero.. Bakit parang iba ang nararamdaman ko?

Parang..

"Matanong ko lang. wag kang magagalit ha?








Kung nakita mo ba yung kamukha ni Sky, mamahalin mo rin ba siya?



Ibibigay mo ba sakanya ang pagmamahal mo para sa pinsan ko dahil lang sa kamukha niya ang mahal mo?"

"Di ka makasagot? Tss. Kung ako sayo.. Wag mo nang isipin yang babaeng yan.. Baka dahil sakanya.. Makalimutan mong mahal mo si Sky.."

-

"Ano bang ginagawa mo jan? Tara na!" Hinila  ako ni Luna mula sa pagkakaupo ko sa kotse ko.

Di ko nga alam kung saan kami eh. Dinala lang niya ako dito.

"Saan ba tayo pupunta?" Hila hila pa rin niya ako.

"Basta. Wag ka nang matanong. Sumama ka nalang" oh eh di sumama.

Di naman siguro niya ako papatayin diba?

Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon