Chapter 16 : Day 3

498 19 0
                                    

Sky's POV

"Goal!" sabi nung announcer. Nanunuod kami ngayon ng soccer game. 1st game palang to.

Di naman kasi pwedeng ipagsabay ang dalawang game ng soccer diba?

Kasama ko ngayon sina Carleigh at Celine. Sina Daria, naghahanda para sa swimming competition mamaya. So far so good naman ng mga activities. Madami akong natatanggap na papuri at wala pa akong natanggap na reklamo.

Ang ganda nga eh.

Nakikita ko kina Carleigh, Rica at Celine na gusto nilang manalo.

Eh nung nakaraang mga battle eh sitting pretty ang mga yan eh. Kampante kasi.

Mukhang nakahanap na sila ng katapat ngayon.

At ang saraaaap lang silang makita na naglalaro at pasimple na nagbabangayan

"Carleigh, goodluck mamaya sa contest mo!" sabi ni Rica.

Mamaya na kasi ang contest ng baboy na to. At talagang nasaktuhan ang contest na yun sa forte niya.

Ang magpakababoy.

Masayang masaya nga yang lokaret na yan eh. Sino ba namang hindi, eh ang daming food dun mamaya. Bakit madami?

Siya lang naman mismo ang gumastos para sa contest na yun.

Oh diba? Pinagbigyan ang luho niyang magpakababoy. Tss.

Kaming lima ang gumagastos sa bawat game. Pambayad sa mga judges, sa mga referees, sa mga medal atbp. Ang pinakamalaki ang gastos?

Sakin. Eh ako ba naman ang gagastos para sa Mr and Ms at saka sa Socialization.

Idagdag pa yung kahapon sa laro ng lahi. Oh diba lang?!

Ang dadaya kasi ng mga yan eh  kuripot eh nakikinabang rin naman! Tss.

May isa pa akong pinoproblema eh. Yung sa Mr and Ms. Nak ng loko naman kasi talaga.

Take note. Wala silang kaalam alam na ako ang representative para dun.

Pag nalaman ng mga yan. Jusko. Instant barbie ako niyan. Lalo na ni Celine.

Sa dami ng pwedeng mabunot, yun pa. Pero may magandang naidulot rin naman yun. Pag yun kasi ang nabunot mo, ok na yun. Di mo na kakailanganing bumunot ng iba pa at makisali sa world war 3 ng mga lokaret kong kaibigan.

Nagtataka nga ako kung bakit nagaaksaya pa yang Chester na yan na maglaro eh Siya naman yung Mr. Partner ko. Talaga namaaaaan!

Eh di nga kami close niyan eh. Pero kailangan kong manalo dahil by department yun. Tss.

Lintek naman kasi eh.

"What the?!" napalingon ako agad kay Carleigh.

"Nako!" sabi ni Celine. Abah nagsalita ka pa?

Bakit siya nagreact? Eh yung prince charming niya, napuruhan sa field.

Ewan ko ba jan kay Carleigh. Baboy na nga, mukhang tanga pa kung makangiti kagabi. Sobrang lapad na ngiti. Mukha na siyang aso.

Oh diba? Baboy na. Aso pa. San ka pa?

Oh wag kayo. Ganyan yan basta magkakaibigan. Lalaitlaitin mo ng sukdulan! 

Agad namang itinigil pansamantala yung laro. Mukhang napuruhan talaga yung Blake ah. Tss.

Si Carleigh? Nandun na sa field at sinugod ang kanyang prince charming.

Nako ka Carleigh. Magpigil pigil ka. Di madali yang pinasok mo. *iling* *iling*



Blake's POV

Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon