Chapter 78: Effortless

221 8 0
                                    


Dee's POV

"Pwede ba? Tigil tigilan mo nga ako!" Talagang nakakabanas na 'tong isang to.

"Pero S--Megan naman eh!" -______-

"Sabi ko wag mo akong tatawaging Megan! Kahit na Maxine, BAWAL! Wag mo akong matawag tawag! Urgh!" Nakakabwiseeet!

Nandito kami ngayon sa kalsada at kinukulit ako ng pesteng nilalang na 'to.

"Bakit naman? Eh may pangalan ka diba? Eh di malamang yun ang itatawag ko sayo ^__________^"

Pwede bang ilayo niyo tong lalakeng to sakin?! Please lang! >_________<

"Ang pangalan ko, available para sa mga kakilala ko lang! Di kita kilala kaya hindi mo ako pwedeng tawagan sa pangalan ko!" URGH!

"Stop! Wag ka munang maglakad!" Abah sino ka para utusan ako ha?!

Napunta kami sa ganitong situasyon dahil wala akong kotse at nagtaxi lang ako.

Sakto naman nasiraan kami ng taxi eh nagkataon na nandun tong ungas na 'to. Ayun. Di na ako tinigilan hanggang sa nagpasya akong lakarin nalang ang pagpunta ko sa company ni Carleigh.

Kaso lang.. Sadyang makulit ang lintang to. Sinusunod pa rin ako hanggang ngayon -__________-

"MEGAN MAXINE DEE SANTIAGO! TUMIGIL KA NGA SA KAKALAKAAAAAD!" Sabi niya.

Nilingunan ko siya at tinapunan ng masamang tingin. Yung halos mapatay ko na siya sa tingin na yun.













"MAKINIG KA! AKO SI CHESTER LOPEZ! CHESTER FOR SHORT. I WANT TO BE YOUR FRIEND. PLEASE ACCEPT ME AS YOUR BOYFRIEND AND I PROMISE YOU THAT I'LL LOVE YOU TILL THE END!"






O//////////O

Puchang lalakeng siraulo to!



"WALA AKONG PAKIALAM SAYO! URGH!"

Langya! Kung makasigaw akala mo eh walang nakikinig sakanya eh!

Traffic kasi at yung mga sasakyan ay nakapila. Lunes kasi. Eh etong damuhong to. Kung makasigaw eh akala mo walang ibang tao sa paligid niya! Marami tuloy ang nakarinig ng nakakahiyang sinabi niya. Grr!

Naglakad pa ako. Jusko lang! Malayo pa ba ang building na yun?! >_______<

"DEE! HOY MEGAN MAXINE!"

Grrrrrrrrrrrrr!

"TIGILAN MO AKO MOKONG KA!" Grrrr! Umagang umaga, sirang sira na araw ko!

Kung may pera lang ako, talagang sumakay na ako ng taxi at lumayo na sa buset na to. Ang kaso wala na akong pera dala dito.

Sinuswerte ako eh kaya ayan nakalimutan ko ang wallet ko sa bahay. Ganda talaga ng umaga ko noh? (Insert sarcasm here)

"ANO KA BA NAMAN! NAKIKIPAGKAIBIGAN NGA LANG EH!"

"AYOKONG MAKIPAGKAIBIGAN SAYO!"

"BAKIT?!"

"MUKHA KANG BISUGO! ITLOG NG PUGO!"

"SA GWAPO KONG TO? BISUGO? MAHIYA KA NGA!"

"MUKHA KANG ABNORMAL! SIRAULO! TIGILAN MO AKO!"

"AYOKO NGA EH! MAKIPAGKAIBIGAN KA MUNA SAKIN TSAKA KITA TITIGILAN!"

URGH! Nakakainis! >________<

Para kaming mga tanga na sumisigaw sa tabi ng kalsada habang naglalakad o naghahabulan (?)

Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon